ROASTED PORK BELLY in 5 SPICE POWDER


Mula nung nag-food blog ako, natuto akong mag-research sa net ng iba pang pwedeng iluto bukod sa mga tradisyunal na pagkaing Pilipino na naka-kain natin.   Natuto din akong mag-experiment at gumamit ng mga spices na hindi natin pangkaraniwang nagagamit sa pagluluto.

Kagaya nitong 5 spice powder na ito na nabili ko sa supermarket.   Ang 5 spice powder na ito ay pangkaraniwang ginagamit sa Chinese Cuisine.   Pagkaraniwan ang sangkap nito ay star anise, Sichuan pepper corn, cinnamon, fennel seeds at gloves.   Nagkakaiba-iba dijn ang sang nito.

Pangkaraniwan ay ginagamit ito sa mga  niro-roast na dishes kagaya nga nitong pork belly na ito.   Masarapa din ito sa roasted chicken o duck.   Pwedeng-pwede talaga ito lalo na sa papalapit nating Noche Buena.


ROASTED PORK BELLY in 5 SPICE POWDER

Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork Belly (piliin yung manipit lang ang taba)
1 head Garlic
1 pc. large Onion (quarterd)
2 pcs. Dried Laurel leaves
3 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Whole Pepper Corn
1 tbsp. 5 Spice Powder
1 tsp. Maggie Magic Sarap

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola pakuluan ang pork belly (hiniwa sa dalawa) sa tubig, bawang, sibuyas, laurel leaves, asin at paminta.   Pakuluan hanggang medyo lumambot na ang karne.   I-drain at palamigin
2.   Tusuk-tusukin ng tinidor ang balat na parte ng karne.    3.   Hiwaan ang balat na parte ng mga 1/2 inch ang pagitan.
4.   Kiskisan ang mga pagitan ng hiwa ng pinaghalong 5 spice powder at maggie magic sarap.
5.   Lutuin ito sa turbo broiler sa pinaka-mainit na settings hanggang sa mag-pop ang balat. 
6.   Palamigin muna ng bahagya bago hiwain.

Ihain na may kasamang lechon sauce o sukang may toyo, bawang at sibuyas.

Enjoy!!!



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy