Posts

Showing posts from December, 2015

HAPPY NEW YEAR 2016!!!!

Image
HAPPY NEW YEAR 2016!!! Dalangin ko sa ating Panginoon na maging mabuti at mabiyaya ang taong 2016 para sa ating lahat.   Salamat po sa lahat ng sumubayabay sa munting food blog kong ito sa nakaraang taon at hiling ko na sana'y patuloy nyo itong suportahan.   Asahan nyo ang mas aktibo at katakam-takam na mga putahe sa taong darating. Mabuhay tayong lahat sa taong darating!!!!    Manigong Bagaong Taon sa lahat !!!!!

NOCHE BUENA 2015

Image
Nais ko pong i-share sa inyo itong nakaraan naming Noche Buena sa aming munting tahanan.   Nung mga nagdaang taon kasi mula nung kami ay mag-asawa, sa bahay na ng aking biyenan kami nagno-noche buena at nag-papasko na din kasama ang iba pa nilang kamag-anak. Komo first time nga namin sa aming bahay, minabuti kong mga tradisyunal na pagkaing pang-noche buena ang aking ihanda.   Dinamihan ko na din para kako madala din namin pag-uei namin ng Batangas kina-paskuhan.    Bago ang Noche Buena, ay dumalo muna kami ng Misa de Aguinaldo sa malapit sa aming simbahan.   At pagkatapos nun kahit hindipa alas-dose ay kumain na kami ng aming noche buena.  Mayroong hamon sa aming hapag...  ...Quezo de Bola na matagal-tagal na din na hindi ako nakakakain. Mayroon syempreng pasta dish.   This time penne pasta with Italian sausages, ham at pepperoni in Italian pasta sauce.  At komo paborito naming lahat ang baby potatoes, hindi nawala ito sa aming hapag.  Mayroon ding classic

MALIGAYANG PASKO

Image
Sa pangalan po ng aking buong pamilya, kami po ay bumabati sa inyo ng isang Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!!!!

CRISPY CHICKEN FILLET ala KING

Image
Na-try nyo na ba yung Chicken Fillet ala King ng KFC?  Ako hindi pa.   Pero naisipan kong gawan ito ng sarili kong version.   At ito na nga po yun. Paborito ng mga anak ko ang pritong manok.   Kaya naman para hindi sila magsawa, ginagawan ko ito ng kung ano-anong twist para mas lalo ko pa itong mapasarap.   At isa na nga dito ay itong crispy chicken fillet ala king na ito. Madali lang naman itong lutuin at maging ang mga sangkap nito ay madali lang hanapin at mabibili din lang kahit sa sari-sari store. Try nyo din po. CRISPY CHICKEN FILLET ala KING Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet (skin on) 1 pc. Lemon 2 cups Cornstarch 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying For the sauce: 1 tetra brick All Purpose Cream 2 heads Minced Garlic 1/2 cup Melted Butter 1 cup Diced Carrots 1 cup Whole Corn Kernel 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.  I-marinade ang chicken fillet sa katas ng lemon,

CLASSIC CRISPY PATA

Image
Isa pa sa mga paborto nating pagkain itong Crispy Pata.   Sa mga espesyal na okasyon kagaya ng Pasko, Bagong Taon, birthday at iba pa.   Kahit nga simpleng salo-salo ay bumibida din talaga ang putaheng ito. Hindi ko matandaan kung kailan ako huling nagluto ng classic crispy pata.   Mula nung matutunan kong lutuin ito gamit ang turbo broiler, hindi na ako bumalik sa classic na paraan ng pagluluto nito.   Medyo delikado din kasi lalo na yung pumuputok-putok ito habang pini-prito. At eto na nga, nagkapagluto ako nitong classic na crispy pata nitong nakaraang araw.   Basta na lang kasi tumigil at nasira ang aming turbo broiler.  Buti na lang at napalambot ko na ang pata at napalamig kaya ipinirot ko na lang ito kagaya ng nakaugalian natin. Masarap.    Iba talaga yung lutong ng classic na crispy pata.    Nanunuot ang linamnam.    Hehehehe CLASSIC CRISPY PATA  Mga Sangkap:  1 pc. Pata ng Baboy  Asin  Pamintang Buo  2 pcs. Dahon ng Laurel  2 pcs. ginayat na

BANANA & CHOCNUT in CREAM

Image
For sure nag-iisip din kayo ng dessert na masarap para sa inyong Noche Buena.   Pangkaraniwan natin na inihahanda ay ang fruit salad, leche plan, at mga kung ano-anong minatamis.   Yung iba naman bumibili na lang ng mga cakes at pastries. Pwede nyo in sigurong i-consider ang simpleng dessert na ito na ginawa nitong isang araw.   Tatlong klase lang ang sangkap.   Although, pwedeng maging tatlo kung lalagyan mo din ng chocolate syrup. Simpleng-simple lang ang dessert na ito.   Walang cooking na gagawin at in just 5 minutes siguro ay pwede ntyo na itong i-serve.   Try nyo din po. BANANA & CHOC NUT IN CREAM  Mga Sangkap: 6 pcs. Banana (cut into half) 6 pcs. Choc Nut 1 tetra brick Alaska Crema  (i-chill sa fridge) Chocolate Syrup (optional) To assemble: 1.   I-hilera ang hiniwang saging sa isang plato o bandehado. 2.   Ilagay sa ibabaw ng saging ang chilled na Alaska Crema or All Purpose Cream 3.   Ilagay din sa ibabaw ng cream naman ang dinirog na Choc Nut. 4.  

SCOTCH EGGS

Image
Para sa akin pinakamahirap pagisipan ang pang-ulam sa almusal o kung ano ang aalmusalin ng ating pamilya.   Nakakasawa na din kasi ang mga silog at pangkaraniwan natin inaalmusal.   Umiikot lang naman kasi sa hotdog, de latang luncheon meat, longanisa, tocino, tuyo ang mga pwedng pang-ulam sa almusal.   Kaya naman naisipan kong gawin itong scotch eggs na ito para maiba naman ang aming almusal. Madali lang naman gawin ito at tatlong sangkap lang ang kailangan bukod sa mantika at para sa sauce ang kailangan.   Pwede din naman na from scratch ang gamitin nyong pambalot sa itlog pero ito na sigurong version ko ang pinaka-madali.   Try nyo din po.   Madali lang gawin at masarap. SCOTCH EGGS Mga Sangkap: 6 pieces Hard-boiled Eggs 12 pieces Burger Patties 2 cups or more Japanese Breadcrumbs Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   Ibalot sa dalawang pirasong burger patties ang bawat piraso ng nilagang itlog. 2.   Pagkatapos ay igulong naman sa Japanese breadcrubs. 3.

CREAMY TUNA SPAGHETTI

Image
Alam kong marami sa atin ang nag-iisip na kung ano ng masarap na ihanda para sa ating Noche Buena sa darating na Pasko.    Kung may budget okay din lang naman na gumastos tayo dahil minsan lang naman din ito sa isang taon.   Pero kung kaunti lang ang budget pwede naman tayong magluto ng espesyal na pagkain na hindi masyadong magastos at hindi pangkaraniwan nating kinakain. Kagaya nitong Creamy Tuna Spaghetti.    Simple, masarap at hindi masyadong magastos.    Iilan din lang ang mga   sangkap na kailangan.    For sure magugustuhan ito ng inyong pamilya. CREAMY TUNA SPAGHETTI Mga Sangkap: 1/2 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package directions) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 can Alaska Evaporated Milk (red label) 2 cans Tuna Flakes in Oil 1 cup grated Cheese 1 ts