SCOTCH EGGS

Para sa akin pinakamahirap pagisipan ang pang-ulam sa almusal o kung ano ang aalmusalin ng ating pamilya.   Nakakasawa na din kasi ang mga silog at pangkaraniwan natin inaalmusal.   Umiikot lang naman kasi sa hotdog, de latang luncheon meat, longanisa, tocino, tuyo ang mga pwedng pang-ulam sa almusal.   Kaya naman naisipan kong gawin itong scotch eggs na ito para maiba naman ang aming almusal.

Madali lang naman gawin ito at tatlong sangkap lang ang kailangan bukod sa mantika at para sa sauce ang kailangan.   Pwede din naman na from scratch ang gamitin nyong pambalot sa itlog pero ito na sigurong version ko ang pinaka-madali.   Try nyo din po.   Madali lang gawin at masarap.


SCOTCH EGGS

Mga Sangkap:
6 pieces Hard-boiled Eggs
12 pieces Burger Patties
2 cups or more Japanese Breadcrumbs
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Ibalot sa dalawang pirasong burger patties ang bawat piraso ng nilagang itlog.
2.   Pagkatapos ay igulong naman sa Japanese breadcrubs.
3.   I-pritong lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.

Ihain na may kasamang gravy o pinaghalong mayonaise at catsup.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy