CREAM DORY FILLET with MAYO-CATSUP DIP


Dahil sa init na ng panahon ngayon, napa-aga ang outing namin ng aking mga ka-trabaho.   Sa Nasugbu sa Batangas kami pumunta at overnight kami doon.

Ni-request nila na magluto ulit ako nitong Fish Fillet na niluto ko din nung nakaraang Christmas party namin.   Nagustuhan nila ito at eto nga nga magluto daw ulit ako.

Madali lang naman talagang lutuin ang fish fillet na ito.   Basta ang importante lang dito ay ihain agad pagkatapos itong maluto.    Kapag nagtagal kasi ay lumalambot at hindi na ganun kasarap kainin.

Nakakatuwa nga kasi habang niluluto ko ito panay kulit ng aking mga kasamahan na patikim daw....hehehe.  



CREAM DORY FILLET with MAYO-CATSUP DIP

Mga Sangkap:
1 kilo Cream Dory Fillet (hiwain ng pahaba sa nais na laki)
1 pcs. Lemon
1 cup Cornstarch
2 pcs. Fresh Eggs
1 cup All Purpose Flour
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
Cooking Oil for Frying
For the Dip:
1 cup Lady's Choice Mayonaise
1/2 cup Banana or tomato Catsup
1 tsp. Bagoong Alamang

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang bowl timplahanng katas ng lemon, paminta at maggie magic sarap ang fish fillet.   Hayaan ng mga 30 minuto.
2.   Ihalo ang binating itlog, harina at cornstarch.   Haluing mabuti pa ma-coat ng batter ang bawat piraso ng fish fillet.
3.   I-prito ito ng lubog sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
4.   For the dip:  Paghaluin lamang ang mga sangkap.   Tikman at i-adjust ang lasa

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy