HAINANESE CHICKEN


 Tinatawag na pambansang ulam sa Singapore itong Hainanese Chicken.   Hindi daw maku-kumpleto ang byahe mo dun kung hindi ka makaka-kain nito.   Sinasabing sa probinsya ng Hainan sa China nagmula ang dish na ito na nadala nga sa Singapore.

Sumisikat na din dito sa atin sa Pilipinas ang dish na ito.   May mga restaurant na nga na ito ang kanilang specialty.   Hindi din ito mawawala sa mga Chinese restaurant.

May kamahalan kung sa mga restaurant na ito tayo bibili o kakain ng chicken na ito.   Bakit hindi na lang tayo gumawa o magluto sa bahay gayong napaka-dali naman itong lutuin.   Try nyo po...madali lang talaga.



HAINANESE CHICKEN

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (about 1.5 kgs)
1 pc. Large White Onion (sliced)
2 thumb size Ginger (cut into sticks)
3 stems of Leeks
2 tbsp.  Sesame Oil
2 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Freshly Crack Black Pepper
For the sauce:
1/2 cup Hoisin Sauce
1 tbps. Grated Ginger
1/2 cup Sesame Oil
1/2 cup Chili Garlic Sauce

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang loob at labas ng manok.   Kiskisan ng asin ang katawan at loob na bahagi ng manok.   Hayaan ng ilang minuto.
2.   Pasukan ng  leeks, luya at sibuyas ang loob ng manok.
3.   Sa isang kaserola pakuluan ang tubig na may luya, sibuyas, leeks, asin at paminta.   Pakuluin ng mga 5 minuto
4.   Ilagay na ang manok at hayaang maluto sa loob ng 20 minuto.
5.   Kapag malapit nang hanguin ang manok, maglagay ng yelo sa isang palanggana o kaserolang may tubig.
6.  Ilubog dito ang hinango na manok para mag-stop ang pagluto nito.
7.   I-drain at hiwain sa nais na laki gamit ang matalim na kutsilyo.
8.   I-drizzel pa ng kaunting sesame oil
9.  For the sauce:  paghaluin ang grated ginger at sesame oil.   Tiplahan ng kaunting asin

Ihain kasama ang mga sauce na nabanggit sa itaas.

Enjoy!!!!



Comments

Unknown said…
tried this and hindi aq nabigo sa expectation q, and un sabaw is good also kasabay s pagkain... mauulit...
Dennis said…
Thanks Ana at nagustuhan mo. Try mo din na gamiting pantubig sa sinaing yung sabaw na pinaglagaan. You have now a Hainanese rice. For sure magugustuhan ito lalo ng pamilya mo.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy