YELLOW FIN TUNA ESCABECHE
Lunes Santo na po at marahil marami sa atin ang nangingilin na sa pagkain ng karne. Kaya hayaan nyo akong ibahagi itong fish dish na ito na pwede nyong ihain nitong mga Mahal na Araw na ito.
Pwede din kayong gumamit ng ibang klase ng isda kagaya ng tilapia, galunggong o hasa at maging bangus ay pwede din. Much better na yung hindi matinik na isda ang gamitin para ma-enjoy mo yung lasa ng sauce.
YELLOW PIN TUNA ESCABECHE
Mga Sangkap:
1 kilo Yellow Fin Tuna (sliced)
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 pc. Red Bell Pepper (cut into strips
1 pc. Carrots (cut into strips)
1 pc. Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
2 tbsp. Brown Sugar
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Sesame Oil
Cooking Oil for Frying
Salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng Yellow Pin Tuna. Hayaan ng ilang sandali.
2. I-prito ito sa mainit na mantika hanggang mag-brown ang magkabilang sides. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Bawasan ang mantika sa kawali at magtira lamang ng mga 2 kutsara.
4. Igisa ang luya, bawang at sibuyas.
5. Isunod na agad ang carrots at red bell pepper.
6. Timplahan ng toyo at brown sugar.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Maaaring lagyan ng 1/2 cup na tubig.
8. Huling ilagay ang sesame oil.
9. Ibuhos ang ginawang sauce sa piniritong isda.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments