CHAMPORADO ESPESYAL
Paborito nating mga Pilipino itong champorado sa almusal. Lalo pa kung sasamahan mo ng pritong tuyo ay paniguradong mapaparami ang kain mo. Pwede din itong ipang-meryenda.
Kapag weekend, minamabuti kong maiba naman ang aming almusal sa bahay. So sa halip na kanin at ulam ang almusal, minsan nagluluto naman ako ng pasta, o kaya naman ay sopas. Minsan naga-arroz caldo din ako at nitong nakaraan nga ay itong champorado.
May nagbigay kasi sa amin ng purong tablea nitong nakaraang Pasko at ito nga ang ginamit ko sa champoradong ito. Ngayon nilagyan ko pa ng pampasarap kaya mas lalong naging espesyal ang champoradong ito. Alam nyo kung ano? Nilagyan ko ng butter kapag kakainin na. Sa pamamagitan nito, mas nagiging malinamnam ang inyong champorado. Try nyo din po.
CHAMPORADO ESPESYAL
Mga Sangkap:
2 cups Purong Malagkit na Bigas
4 pcs. Tablea
Sugar to taste
Gatas na Evaporada
Butter
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang malagkit na bigas hanggang samadurog ang bigas. Lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
2. Sunod na ilagay ang tablea. Patuloy na haluin para hindi manikit yung bottom na bahagi ng kaserola.
3. Huling ilagay ang asukal sa nais na tamis.
4. To serve: Maglagay ng nais ng dami g champorado sa bowl.
5. Lagyan ito ng butter at gatas na evaporada sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa na may kasamang tuyo.
Enjoy!!!!

Comments