MACAPUNO-PANDAN version 2
Sa paghahanda ng pagkain para sa ating mga mahal sa buhay importante din yung presentation o plating ng ating mga niluto. Hindi ko naman sinasabi na parang pang-hotel o fine dining restaurant na plating kundi yung kaaya-aya lang tingnan. Sabi nga, ang ating mga mata at isipan ang unang kumakain bago ang ating bibig at tiyan.
Kagaya nitong Macapuno-Pandan na nai-post ko na nitong mga nakaraang araw. Yung una, as in the ordinary na pinaghalo ko lang yung gulaman na hiniwa ko ng pa-cubes at yung sweet macapuno. That time din, gumawa pa ako ng isang version. At ito na nga yun.
Sa version 2 na ito, gumamit ako ng hulmahan ng gulaman gamit ang mga recycled na pastry or plastic food pack. Yung may magagandang design ang bottom. With that mas maganda ang kinakalabasan ng inyong gulaman. Just like the photo above. Try nyo din po.
MACAPUNO-PANDAN version 2
Mga Sangkap:
4 cups Ready to eat Pure Macapuno
2 sachet Mr. Gulaman (Green with pandan essence)
250 grams White Sugar
1 small jar Sweet Kaong
1 tetra brick All Purpose Cream
Paraan ng paghahanda:
1. Tunawin ang Mr. Gulaman powder sa 6 na tasang tubig.
2. Isalang ito sa apoy at hayaang kumulo. Kapag kumulo na ilagay na ang white sugar at pandan essence.
3. Isalin sa isang hulmahan na may magandang design ang bottom na bahagi at saka palamigin.
4. To assemble: isalin sa isang tray o bandehado ang pinalamig na gulaman.
5. Gamit ang ice cream scoop, mag-scoop ng sweet macapuno at ilagay sa ibabaw ng gulaman.
6. I-drizzle ng all purpose cream ang ibabaw at gilig ng gulaman.
7. I-chill sandali bago i-serve.
Enjoy!!!!!
Comments