MISUA HIPON at PATOLA SOUP
Last Saturday, umuwi kami ng aking mga anak sa bahay ng aking biyenan na si Inay Elo sa San Jose Batangas. Last Holy week pa kami huling nakadalaw at nung magkasakit nga siya ay nito lang kami naka-dalaw.
Pagdating namin, nag-aayos ng lulutuing pang-ulam pang-tanghalian ang helper. Bola-bolang tinapa at ito ngang Misua na may hipon at patola. Nag-volunteer ako na siyang magluluto na ng mga ito at ito na nga ang kinalabsan.
Ang maidadagdag ko na lang o tip para sa soup dish na ito, ay dapat fresh o hilaw na hipon ang gamitin para mas malasa ang sabaw. Yung ginamit ko kasi dito ay naluto na na hipon.
Try nyo din po. Ayos na ayos ito lalo pa ngayon maulan na ang panahon.
MISUA HIPON at PATOLA SOUP
Mga Sangkap:
300 grams Sariwang Hipon (alisin ang balat at kuhanin yung katas ng ulo)
2 pcs. Patola (sliced)
2 pcs. Misua Noodles
1 tangkay na Celery (cut into small pieces)
1 head Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Sunod na ilagay ang binalatang hipon at ang katas nito.
3. Ilagay na din ang hiniwang patola at lagyan ng nais na dami ng sabaw (tubig) Hintaying kumulo.
4. Ilagay na ang misua noodles at timplahan ng asin, paminta at Maggie Magic Sarap.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
6. Huling ilagay ang hiniwang celery.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments