BRAISED CHICKEN IN PINEAPPLE JUICE
Here's another chicken dish na tiyak kong magugustuhan ninyo na napakadali lang lutuin. Konti din lang ang mga sangkap pero hindi tipid ang lasa.
For sure magugustuhan din ito ng mga bata komo manamisnamis ang lasa nito. Much better kung ibababad ng matagal muna ang chicken sa pineapple juice bago ito i-braise. Try nyo din po.
BRAISED CHICKEN IN PINEAPPLE JUICE
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken (legs and wings)
1 medium size can Pineapple Tidbits
2 tbsp. Brown Sugar
1 head Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Ibabad ang manok sa pineapple syrup ng pineapple tidbits at sa kaunting asin at paminta. Overnight mas mainam.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-brown ng bahagya ang bawat piraso ng manok sa mantika. Hanguin muna sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas.
4. Ibalik sa kawali ang na-brown na manok at ang syrup na pinagbabaran ng manok at ang brown sugar. Takpan at hayaang maluto ang manok hanggang sa kumonti na lang ang sauce.
5. Halu-haluin hanggang sa mag-caramelize ang sauce at saka ilagay ang pineapple tidbits.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments