CHICKEN ASADO with HOISIN SAUCE - Chinese Style


Ang lutong asado sa mga bansang kagaya ng Brazil at Argentina ay barbeque.   Pero dito sa atin sa Pilipinas sa pagka-alam ko, may dalawang klase ng asado.   Yung asado na may tomato sauce at yung isa naman ay yung Chinese style na medyo manamis-namis na parang palaman ng siopao.

Ang nakalakihan ko ay yung nuluto sa tomato sauce.   Malaking hiwa ng laman ng baboy na niluto ng matagal sa tomato sauce at iba pang pampalasa at kapag ise-serve na ay hinihiwa ng manipis at nilalagyan ng saue sa ibabaw.

But today, yung Chinese style ang ishe-share ko sa inyo.   And this time manok ang aking gagamitin sa halip na laman ng baboy.

Madali lang ang dish na ito na tiyak kong magugustuhan ng inyong mga mahal sa buhay.


CHICKEN ASADO with HOISIN SAUCE - Chinese Style

Mga Sangkap:
8 pcs. Chicken  Legs (cut into 2)
3 pcs. Star Anise
2 tbsp. Oyster Sauce
2 tbsp. Hoisin Sauce
1/2 cup Soy Sauce
2 tbsp. Brown Sugar
A Bunch of Bok Choi or Chinese pechay
1 tsp. Sesame Oil
1 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Cornstarch (dissolved in 1/2 cup water)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Timplahan ng asin at paminta ang hiniwang manok.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali i-brown ng bahagya ang bawat piraso ng manok.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sa parehong kawali, igisa ang luya, bawang, sibuyas at star anise
4.   Ibalik ang na-brown na manok at lagyan ng toyo, oyster sauce, hoisin sauce at brown sugar.   Halu-haluin.   Takpan at hayaang maluto ng husto ang manok.   Maaaring lagyan ng kaunting tubig kung gusto ninyong ma-sauce ang inyong niluluto.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Ilagay na ang bok choi
7.   Ilagay na ang tinunaw na cornstarch para medyo lumapot ang sauce.
8.   Huling ilagay ang sesame oil para sa dagdag na flavor.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy