CHICKEN BINAGOONGAN


Paborito ko din ang Binagoongan.   Mapa-baboy man o manok, tiyak mapaparami ang kain ko.  Hehehehe.   Bakit naman hindi?   Sauce pa lang kasi ay ulam na.   Kaya naman kapag nagluluto ako nito, dinadamihan ko sadya ang sauce o sabaw.   Ang sarap kasi itong ihalo sa mainit na kanin.   hehehehe.

Basta ang tip lang na masasabi ko sa dish na ito ay dapat good quality ang bagoong alamang na gagamitin.   Otherwise, hindi masarap ang kakalabasan ng inyong binagoongan.   Better kung home made na gaboong ang gamitin para sigurado.



CHICKEN BINAGOONGAN

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 cup Bagoong Alamang (Sweet flavor)
1 can Coconut Cream or 3 cups Kakang Gata
5 pcs. Siling pang-sigang
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 head Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng kaunting asin at paminta ang hiniwang manok.    Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
3.   Ilagay na agad ang tinimplahang manok at halu-haluin.   Takpan at hayaang masangkutsa.
4.   Kapag nawala na ang pagka-pink ng manok, ilagay na ang bagoong alamang at ang siling pang-sigang.   Halu-haluin at takpan muli.   Hayaan ng mga 2 minuto.
5.   Huling ilagay ang gata ng niyog at ang Maggie Magic Sarap.   Halu-haluin at takpan muli.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!!

Comments

Unknown said…
ma try to this sunday 😃
Dennis said…
Yes please try. Actually today yan ang ulam namin sa haus....hehehe

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy