PENNE PORK and BASIL PASTA
Ito ang pasta dish na inihanda ko nitong nakaraang fiesta sa aming lugar. Penne Pork and Basil Pasta.
Wala naman talaga akong balak na maghanda pero nag-sabi ang anak kong si Anton na may pupunta daw siyang mga ka-klase. So naghanda na nga ako kahit kaunti. At komo nga mga kabataan ang magiging bisita, naisip ko na maghanda nga ng pasta dish na alam naman nating paborito ng mga bata.
Actually, simpleng spaghetti recipe din lang itong dish na ito. Penne pasta lang ang aking ginamit at fresh Thai basil naman ang inilahok ko pa para magkaroon ng strong na flavor sa pasta. And perfect! Nagustuhan ng mga bata ang pasta dish ko na ito.
PENNE PORK and BASIL PASTA
Mga Sangkap:
500 grams Penne Pasta (cooked according to package directions)
500 grams Ground Pork
2 cups Grated Cheese
8 pcs. Regular Hotdogs (sliced)
a Bunch of Fresh Thai Basil
1 Medium pack Del Monte Sweet Style Spaghetti Sauce
1 tsp. Freshly Ground Black pepper
1/2 tsp. Dried Basil
1 head Minced Garlic
1 pc. Large Onion (chopped)
Salt to taste
Additional Sugar to taste
1/2 cup Melted Butter
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kaserola o kawali, igisa ang bawang, sibuyas at dried basil sa butter.
2. Sunod na ilagay ang ground pork at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
3. Sunod na ilagay ang spaghetti sauce at hiniwang hotdogs. Hayaang medyo kumulo.
4. Ilagay ang 1 cup na grated cheese. Halu-haluin.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Maaring dito ilagay ang dagdag na asukal kung gusto nyo na medyo matamis ang sauce.
6. Patayin ang apoy at saka ihalo ang nalutong penne pasta.
7. Ilagay na din ang fresh basil leaves at haluin mabuti.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang natitira pang grated cheese.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments