TUNA STEAK in OYSTER SAUCE
May nakita akong sariwang isdang tuna nitong huli kong pamamalengke. Tinanong ko ko kung magkano ang kilo at P340 daw. Mahal. Parang karne ng baka ang presyo. Pero pikit mata ko pa rin itong binili at ang nasa isip ko ang ang gagawin kong luto dito.
Dapat sana ay parang bistek ang gagawin kong luto. Nabago na lang ang isip ko dahil kaka-bistek lang namin na baka nitong nakaraan araw. So, niluto ko nga ito na parang steak at nilagyan ko ng oyster sauce. Wow! sulit na sulit ang lasa at ang kamahalan ng isdang ito. Hehehehehe.
TUNA STEAK in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Fresh Tuna (slice to 1/2 inch thick)
1 cup Oyster Sauce
1/3 cup Soy Sauce
1 thumb size Ginger (cut into strips)
3 pcs. White Onion (cut into rings)
1 head Minced Garlic
1 tsp. Cornstarch (dissolved in 1 cup water)
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
Cooking Oil for frying
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang hiniwang isdang tuna. Hayaan ng ilang sandali.
2. I-prito ang tuna sa mainit na mantika hanggang pumula ang magkabilang side. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali (magtira lamang ng mga 2 kutsarang mantika) i-prito ang bawang hanggang mag-golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Sunod na i-prito ang sibuyas hanggang sa maluto ng bahagya. Hanguin sa isang lalagyan.
5. Sunod na igisa ang luya. Halu-haluin.
6. Ilagay na ang toyo, oyster sauce, brown sugar, sesame oil at tinunaw na cornstarch katamtamang lakas ng apoy. Halu-haluin.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Maaaring lagyan pa ng asin at paminta.
8. Ibuhos ang ginawang sauce sa ibabaw ng piniritong tuna. Ilagay din sa ibabaw ang nilutong sibuyas at bawang.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments