STEAMED BABY LAPU-LAPU
Ito siguro ang isa sa mga pinaka-madaling dish na naluto ko at nai-post sa food blog kong ito. Itong Steamed Baby Lapu-lapu. Wala naman kasing ka-effort-effort ang paghahanda at pagluluto nito. Kahit nga wala kang steamer ay pwede din kagaya nga nitong ginawa ko.
Binalot ko lag kasi ng aluminum foil ang tiniplahang lapu-lapu at isinalang ko sa isng kawali na may tubig. Hinayaang kong lang itong ma-steam doon ng ilang minuto at presto may masarap ka nang steamed lapu-lapu. Kahit nga siguro hindi marunong magluto ay kaya itong gawin. Subukan nyo po.
STEAMED BABY LAPU-LAPU
Mga Sangkap:
10 pcs. Baby Lapu-lapu
1/ 2 cup Oyster Sauce
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 pc. White Onion (sliced)
Leeks (cut into strips)
1 tsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang aluminum foil ilagay ang lahat ng mga sangkap at saka balutin. Make sure na nabalot itong mabuti para hindi mapasok ng tubig ang isda. (Please see 2nd pict)
2. Pakuluan ito sa isang kawaling may 2 tasang tubig sa loob ng 30 minuto. Huwag kalimutang takpan.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments