FRIED CHICKEN in 5 SPICE POWDER
Ito ang isa sa mga pagkaing aking inihanda sa nakaraang kaarawan ng bunso kong anak na si Anton. Fried Chicken in 5 Spice Powder.
Komo nga mga kabataan ang mga bisita lang ng may birthday minabuti kong yung mga paborito ng mga bagets ang aking niluto at isa na nga itong fried chicken na ito.
Actually simple lang naman ang ginawa kong pang-marinade sa chicken. Ginamitan ko lang ng 5 spice powder at kaunting cayene, paprica at garlic powder.
Nakakatuwa dahil nagustuhan ng mga bagets ang fried chicken na ito. Yung isa nga hiningi pa yung recipe ko nito. Hehehehe
FRIED CHICKEN in 5 SPICE POWDER
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Drumsticks
1 pc. Lemon
1 tsp. 5 Spice Powder
1 tsp. Garlic Powder
1/2 tsp. Cayenne Pepper Powder
1/2 tsp. Paprica
1 cup All Purpose Flour
1 cup Cornstarch
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa pinaghalong katas ng lemon, 5 spice powder, garlic powder, cayenne pepper powder, paprica, asin at paminta. Hayaan ng 1 oras o higit pa. Overnight mas mainam.
2. Isa-isa namang igulong sa pinaghalong cornstarch at harina ang bawat piraso ng manok. Hayaan ng ilang sandali bago i-prito.
3. I-prito ito ng lubog sa mantika sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay.
4. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
Ihain habang mainit pa na may kasamang catsup or gravy.
Enjoy!!!!
Note: Pwede nyo ding i-serve into in a bed of fried kropek. TY
Comments