PINOY STYLE FRIED CHICKEN ala DENNIS


Pangkaraniwang alam nating luto sa fried chicken ay yung binabalot sa breadings at saka piniprito hanggang sa maging malutong ang balat.  Naging batayan na natin ang fried chicken ng Jollibee at McDonald.

But for me, wala pa ring tatalo sa pinoy style n pagpi-prito natin ng manok.   Yung kagaya ng sa Max Fried Chicken.   Yung wala breading na nilalagay.   Para sa akin kasi kapag may breadings, natatabunan nung seasoning ng breadings yung natural na flavor o lasa ng manok.   At isa pa,  kapag may breadings, maaring maging hilaw pa ang loob ng manok pero luto na ang labas.

Kaya naman gusto kong i-share sa inyo itong pinoy style fried chicken na niluto ko nitong nakaraang kaarawan ng anak kong si James.   Simpleng simple lang ito.   Masasabi kong medyo nalalapit sa lasa ng Max Fried Chicken.


PINOY STYLE FRIED CHICKEN ala DENNIS

Mga Sangkap:
8 pcs. Chicken Legs
1 sachet Sinigang Mix
1 tbsp. Onion Powder
1 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Ground Black Pepper
Patis
Cooking Oil for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, pakuluan ang manok sa tubig na may kasamang sinigang mix, onion powder, asin at paminta.  pakuluan ng mga 20 to 30 minutes.   Hanguin ang manok, i-drain at palamigin.
2.   Pahiran ng patis ang paligid ng bawat piraso ng inilagang manok.   Hayaan ng ilang sandali.
3.  I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.  Ulitn ang pagpi-prito para mas lumutong ang balat.   Ganyan din ang ginagawa ng Max Restaurant sa kanilang fried chicken.

Ihain habang mainit pa na may kasamang piniritong kamote at sawsawang banana catsup.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy