YELLOW PIN TUNA in COCONUT CREAM


May nabili akong sariwang Yellow Pin tuna sa palengke.   Nung makita ko ito isang luto lang ang pumasok sa isip ko at ito ay ang lutuin ito sa gata. 

Masarap naman talaga ang luto sa gata.   Kahit ano siguro basta nilagyan mo ng gata ng niyog ay tiyak na sasarap.   Samahan mo pa ito ng sili para pampa-anghang ay tiyak na mas gaganahan kang kumain.

Try nyo din po.



YELLOW PIN TUNA in COCONUT CREAM

Mga Sangkap:
1 kilo Fresh Yellow Pin Tuna (sliced)
2 cups Fresh Coconut Cream
2 thumb size Ginger (sliced)
1 head Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
A bunch of Pechay Tagalog
5 pcs. Siling Pang-sigang

Salt and pepper to taste
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
3 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta anag bawat piraso ng isda.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
3.   Sunod na ilagay ang kakang gata at siling pang-sigang.   Hayaang kumulo ng ilang sandali.
4.   Sunod na ilagay ang isda at timplahan ng Maggie Magic Sarap.    Takpan at hayaang maluto ang isda.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang pechay tagalog.   Takpan muli at hayaang maluto ang gulay.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

Tinolang Manok