POCHERONG MANOK
Ang pochero ay isang dish na sa mga espesyal na okasyon natin natitikman. Pero syempre basta para sa ating pamilya kahit simpleng araw ay the best i-serve ito.
Pangkaraniwan ay karne ng baka o baboy ang ginagamit dito. Pero pwede din naman ang manok lalo na sa mga may health issue and yes ito siguro ang healthy version.
Madali lang itong lutuin kahit siguro bago pa lang natututong magluto ay magagawa ito. Ang importante ay ang tamang sangkap at yung tamang lasa ng sauce na nag-aagaw yung alat, asim at tamis. Try nyo po masarap ito.
POCHERONG MANOK
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Legs (cut into half)
1 tetra pack Tomato Sauce
2 pcs. Chorizo de Bilbao
5 pcs. Saging na Saba
2 pcs. Kamote (cut into cubes)
Pechay
Baguio Beans
Repolyo
Brown Sugar
1 pc. Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
Salt and pepper to taste
Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan ng ilang sandali
2. Sa isang non-stick na kawali, i-brown ang manok sa kaunting mantika. Hanguin sandali sa isang lalagyan.
3. I-prito dini ang hiniwang saging na saba at kamote. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
5. Ibalik sa kawali ang na-brown na manok at ilagay na din ang giniwag chorizo de bilbao.
6. Ilagay na din ang tomato sauce at 1 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto sa loob ng 5 minuto.
7. Ilagay na ang nilutong brown sugar, kamote, saging na saba at Baguio beans. Takpan muli ng mga 3 minuto.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Huling ilagay at pechay at hiniwang repolyo.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments