Posts

FISH FILLET SPRING ROLL

Image
Maraming klase ng lumpia. Ito marahil ang isa sa mga pagkain na minana natin sa ating mga ninunong Intsik. May lumpiang sariwa o yung ginisang gulay ang laman. Meron din yung giniling na baboy ang laman. Pini-prito ito...pangkaraniwan nating tawag dito ay lumpiang shanghai. Katulad ng adobo, maraming variety ang lumpia. Nasa sa atin na kung ano ang guso nating ipalaman dito. Katulad ng recipe natin for today. Ang pagka-alam ko dito, original recipe ko ito. Kagaya ng palagi kong sinasabi, kailangan lang lawakan natin ang ating imahinasyon. Try nyo ito....masarap talaga. FISH FILLET SPRING ROLL Mga Sangkap: 500 grams Fish Fillet (Cream of Dory ang ginamit ko dito. Hiwain na parang stick) a bunch of Kinchay or Wansuy (Gayatin o hiwain ng pino) 1 sachet Lee Kum Kee Char Sui sauce 1 egg Lumpia wrapper Cooking oil Salt and pepper Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang bowl, timplahan ng asin, paminta, char sui sauce ang fish fillet 2. Ilagay na din ang ginayat ng wansuy o kinchay at halu-haluin 3....

PORK ADOBO sa GATA

Image
Ang recipe natin na ito for today ay masasabi kong 101% Pinoy. Kahit saang panig siguro ng mundo basta sinabing Adobo, pinoy yun. Sikat na sikat ang lutuin ito. Kaya nga ang dami na ring version ang kinalabasan nito kahit saang lugar. May entry na ako ng Pork adobo sa blog kong ito. Yun lang, ang naka-highlights dun ay yung marble egg na sinama ko sa adobo. This time naman, sinamahan ko ng isa pang sangkap na pinoy na pinoy pa din. Ang gata ng niyog. Hindi ko alam kung saan nag-originate ang ganitong recipe. Pero isa lang ang masasabi ko, masarap talaga....hehehehe. PORK ADOBO sa GATA Mga Sangkap: 1 kilo Pork Pigue or Kasim cut into cubes 1/2 kilo Pork liver cut into cubers Kakang gata mula sa isang niyog 2 pcs. potato quartered 1 head minced garlic 1 cup soy sauce 1 cup vinegar 1 tsp. ground pepper 2 pcs. dried laurel leaves 1 8g sachet maggie magic sarap Paraan ng Pagluluto: 1. Ilagay sa isang kaserola ang baboy, suka, toyo, pamita at laurel. Pakuluin hanggang sa lumambot ang karne. ...

CHICKEN ALA KING

Image
Isa ito sa mga paborito kong luto sa chicken....although first time kop pa lang itong i-post dito sa blog. Ang hindi ko malaman, ano ang pagkakaiba nito sa chicken pastel? Parang pareho lang ang sangkap at pamamaraan ng pagluluto. Well, basta chicken ala king ito....hehehehe. I checked several internet sites for the recipe of this chicken pastel. Taka ako bakit iba-iba ang recipe at pamamaraan kung papano nila ito lutuin. Ang ginawa ko, kinuha ko yung lahat ng sangkap na common sa lahat ng recipe at yun ang ginamit ko sa dish na ito. Masarap ang kinalabasan at pwedeng ihanda sa mga espesyal na okasyon. Try it! CHICKEN ALA KING Mga Sangkap: 750 grams or 3/4 kilo Chicken Thigh Fillet cut into serving pieces 1 small can Alaska Evap (Red label) 1 medium size red bell pepper 1 medium size sweet green bell pepper 1 small can sliced mushroom 4 cloves garlic minced 1 large red onion chopped 1/2 cup butter 2 tbsp. cornstarch salt and pepper Paraan ng Pagluluto: 1. Timplahan ng asin at paminta a...

EGGPLANT & BEEF LASAGNA

Image
Hindi ko akalain na ganito kasarap ang kakalabasan ng lutuing kong ito. Nung una nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ito o ibang recipe na lang kagaya ng arroz ala cubana ang gagawin ko. Although, kumpleto naman ang mga sangkap na gagamitin ko meron pa rin akong pag-aalinlangan. Una, papano ko lulutuin yung talong? ipi-prito ko ba o ilalaga? First time ko lang na lutuin ito. Ofcourse yung lasagna talaga nailuto ko na. Pero dito, talong ang ginamit ko pamalit dun sa pasta. EGGPLANT & BEEF LASAGNA Mga Sangkap: 500 grams Ground Beef 2 large Eggplant (hiwain ng maninipis..bahala na kayo kung gaanong kahaba ang nais ninyo) 250 grams Mix Vegetables (carrots, green peas, corn) 1 tetra pack Del Monte Tomato and Cheese Pasta Sauce 1 tsp. dried basil 1 8g sachet maggie magic sarap 1/2 bar Cheese grated salt and pepper Paraan ng Pagluluto: 1. I-steam ang mga hiniwang talong. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin. 2. Sa isang kawali o non-stick pan, igisa ang bawang at sibuyas. 3. Ilag...

STIR FRIED TOFU AND BEAN SPROUT

Image
Tatlong salita ko ide-describe ang recipe natin for today. Masarap, Mura, Healthy. Ito ang itinambal ko dun sa daing na bangus na entry ko the other day. Ayos na ayos ito as a side dish o kaya naman as isang ulam na. Siguro ang nagastos ko dito mga P30 pesos lang. Mga apat na tao na siguro ang kakain. Sa mga nagba-budget na hindi naman sinasakripisyo ang lasa ng pagkain, ito ang para sa inyo. Try it! madali lang din lutuin. STIR FRIED TOFU AND BEAN SPROUT Mga Sangkap: 3 pcs. Tokwa cut into cubes o sa nais na laki 250 grams Toge o bean sprout 3 cloves minced garlic 1 small onion chopped 2 tbsp. Oyster sauce salt and pepper cooking oil for frying Paraan ng Pagluluto: 1. I-prito ang tokwa sa kumukulong mantika. Hanguin sa isang lalagyan. 2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin. 3. Ilagay ang toge at tokwa. Lagyan ng kaunting tubig (1/2 cup). Halu-haluin 4. Timplahan ng asin, paminta at oyster sauce ayon sa inyong panlasa. Patuloy na haluin ng mga isang minuto. 5. Huw...

LET YOUR HEART DO THE COOKING

Image
I just want to share with you this article posted at inquirer.net last August 20, 2009. Ito yung sinasabi ko sa title ng food blog kong ito. Hindi kaya ang asawa ko ang nag-post nito sa Inquirer? hehehehe. Here's the link http://blogs.inquirer.net/happynest/2009/08/20/let-your-heart-do-the-cooking/#comment-44562 Let Your Heart Do the Cooking 08/20/09 Posted under Everyday Good Stuff AFTER a long day at work, the last thing I want to do is cook my own meal and wash the dishes. Cooking is a technical process to me — I need the exact number of ingredients, the right temperature, the right pots and pans. It is a science. On days that I don’t follow measurements, my cooking still turns okay but nothing great. And so after a long day, all I want to do is reach for the phone and call for a pizza. My husband thinks differently. He’s a guy with cooking intuition. I’d say he cooks with his heart, not with his head. Sure, the measurements guide him, but that’s where they stop — as his guide. ...

DAING NA BANGUS ESPESYAL

Image
Madali lang naman talagang mag-luto. Konting imagination lang talaga makakabuo ka na ng isang masarap na lutuin. Hindi naman kailangan na i-limit natin ang recipe sa mga original na recipe talaga. Kung baga, bakit hindi natin gawan ng twist? Di ba yung ibang recipes ko dito ganun ang ginawa ko? Kagaya na lang nitong entry natin for today. Original recipe or ordinary recipe ng daing na bangus..although masarap talaga ang orig, bakit hindi natin lagyan ng twist? At alam nyo ang kinalabasan? Mas masarap at kakaiba ang kinalabasan. Parang gourmet food ang lasa....hehehehe. Try nyo ito! DAING NA BANGUS ESPESYAL Mga Sangkap: 2 pcs. Boneless Daing na Bangus 1 head minced garlic 1/2 cup suka 1 tsp. pamintang durog 2 tbsp. rock salt 1 tbsp. dried basil leaves 1 tbsp. dried oregano 1 8g sachet Maggie Magic Sarap 1 cup cooking oil Paraan ng pagluluto: 1. Budburan ang boneless bangus ng asin, paminta, maggie magic sarap, dried basil leaves at dried oregano. 2. Sa isang bowl paghaluin ang suka a...