Media Noche 2008-2009

Eto ang handa namin nitong huling media noche. Sa bahay namin sa Bulacan kami ng nag-celebrate ng New Year. Uunahan ko na kayo...hindi ako ang nagluto ng mga iyan...hehehehe. Sabi ko nga lahat kami sa pamilya ay marunong magluto kaya ang Ate Ann ko at si Shirley ang nagluto niyan. Ofcourse, ako naman ang nag-suggest kung ano ang ihahanda namin.

Simple lang naman ang handa namin. As you can see in the picture, may cripsy pata, sliced ham, chicken potato salad, fruit salad, barbeque, hotdog for kids. May leche plan din, beans at suman para panghimagas.

Tips para sa isang masarap na crispy pata:
1. Palambutin ang pata sa kumukulong tubig na may maraming asin, sibuyas, paminta
2. Pwede ding lagyan ng tanglad at laurel para magdagdagan ang flavor. MSG optional
3. Kapag malambot na...palamigin at ilagay sa freezer. Mas mainam na matigas na matigas siya bago i-prito sa mantika. Sa paraang ito, hindi masyadong mapupuputok ito habang pini-prito.
4. Pwede din sa halip na i-prito ay gumamit ng turbo broiler.
5. Masarap ito kung isasawsaw sa pinaghalong suka, toyo, kalamansi, sibuyas at kamatis.

Enjoy!!!!

Comments

puprock said…
hi, dennis! sarap ng mga luto mo. susubukan ko nga yan. btw, may food blog din ako. daan ka pag may time ka ha. id be honored, its theeatingroom.wordpress.com
Dennis said…
Thanks puprock.....If you have questions just email me at denniscglorioso@yahoo.com
Dennis said…
Hi again puprock....ikaw ba si ms. Caren? I just visit your blog and it's great. Gourmet food at home at its best. Thanks again for sharing....
Anonymous said…
hi dennis mukhang masarap nga yung mga luto mo. gusto try paisa-isa. by nxt week kasi plano ko ng pabaunan ng food yung husband ko pag pasok sa office. kasi pag sa canteen kalimitan pare-parehas lang yung food na binebenta at masyadong mamantika.parehas pa naman kaming hi cholesterol now. eh ayaw ko naman sya pag baunin ng mga pag kain na makikita din sa canteen. kaya start this coming monday,regular na ako kukuha ng reciepe dito sa blog mo.
more power!
Dennis said…
Thanks...nakakatuwa naman at nakakatulong kahit papaano ang food blog kong ito.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy