Media Noche 2008-2009
Eto ang handa namin nitong huling media noche. Sa bahay namin sa Bulacan kami ng nag-celebrate ng New Year. Uunahan ko na kayo...hindi ako ang nagluto ng mga iyan...hehehehe. Sabi ko nga lahat kami sa pamilya ay marunong magluto kaya ang Ate Ann ko at si Shirley ang nagluto niyan. Ofcourse, ako naman ang nag-suggest kung ano ang ihahanda namin.
Simple lang naman ang handa namin. As you can see in the picture, may cripsy pata, sliced ham, chicken potato salad, fruit salad, barbeque, hotdog for kids. May leche plan din, beans at suman para panghimagas.
Tips para sa isang masarap na crispy pata:
1. Palambutin ang pata sa kumukulong tubig na may maraming asin, sibuyas, paminta
2. Pwede ding lagyan ng tanglad at laurel para magdagdagan ang flavor. MSG optional
3. Kapag malambot na...palamigin at ilagay sa freezer. Mas mainam na matigas na matigas siya bago i-prito sa mantika. Sa paraang ito, hindi masyadong mapupuputok ito habang pini-prito.
4. Pwede din sa halip na i-prito ay gumamit ng turbo broiler.
5. Masarap ito kung isasawsaw sa pinaghalong suka, toyo, kalamansi, sibuyas at kamatis.
Enjoy!!!!

Comments
more power!
Dennis