Beef Broccoli in Oyster Sauce
Tinanong ko ang asawa kong si Jolly kung anong ulam ang gusto niya for our dinner. Sabi lang niya, kahit ano basta huwag lang baboy. Hehehehe. Medyo takot pa siya kumain ng baboy ngayon. Although, wala pa naman kaso ng swine flu dito sa atin, siguro para sa kanya, mainam na rin yung nag-iingat.
Dalawa ang pinagpipilian kong iluto, isda o kaya naman ay baka. Sa baka ako nauwi...hehehehe. Bagamat mahal ang kilo ng baka ngayon, ito pa rin ang naisip kong iluto. At sa isip ko nga, why not Beef Broccoli ang iluto ko. Nga pala, mahal din ang gulay na broccoli. Yung nabili ko kapiraso lang P45 na. Malaki lang ang tangkay....hehehehe
BEEF BROCCOLI IN OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Tenderloin thinly slice (bite size)
250 grams Broccoli cut into serving pieces (Yung tangkay pwede ding isama. Alisin lang yung balat o yung matigas na part)
1/2 cup Oyster sauce
1/2 cup soy sauce
1 thumb size ginger cut into strip
1 cloves garlic
1 medium size onion
salt ang pepper
1 tbsp. cornstarch
1 8gram maggie magic sarap (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas.
2. Ilagay ang hiniwang beef at lagyan ng asin at paminta. Halu-haluin
3. Ilagay ang oyster sauce, toyo at kaunting tubig. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
4. Habang pinapalambot ang karne, magpakulo ng kaunting tubig sa isa pang kaserola.
5. Ilagay ang broccoli at lagyan ng kaunting asin. Takpan. Lutuin ng mga ilang minuto. Huwag i-overcooked
6. Hanguin ang broccoli sa isang lalagyan.
7. Kung malambot na ang beef, ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8. Tikman. Lagyan pa ng asin, paminta, oyster at maggie magic sarap kung kinakailangan.
9. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay ang nilutong broccoli
Ihain habang maiinit.
Abangan ang mga susunod ko pang recipe...till next!
Comments
Dennis
Thanks for the visit my friend.
Dennis