Beef Broccoli in Oyster Sauce




Tinanong ko ang asawa kong si Jolly kung anong ulam ang gusto niya for our dinner. Sabi lang niya, kahit ano basta huwag lang baboy. Hehehehe. Medyo takot pa siya kumain ng baboy ngayon. Although, wala pa naman kaso ng swine flu dito sa atin, siguro para sa kanya, mainam na rin yung nag-iingat.

Dalawa ang pinagpipilian kong iluto, isda o kaya naman ay baka. Sa baka ako nauwi...hehehehe. Bagamat mahal ang kilo ng baka ngayon, ito pa rin ang naisip kong iluto. At sa isip ko nga, why not Beef Broccoli ang iluto ko. Nga pala, mahal din ang gulay na broccoli. Yung nabili ko kapiraso lang P45 na. Malaki lang ang tangkay....hehehehe



BEEF BROCCOLI IN OYSTER SAUCE


Mga Sangkap:

1 kilo Beef Tenderloin thinly slice (bite size)

250 grams Broccoli cut into serving pieces (Yung tangkay pwede ding isama. Alisin lang yung balat o yung matigas na part)

1/2 cup Oyster sauce

1/2 cup soy sauce

1 thumb size ginger cut into strip

1 cloves garlic

1 medium size onion

salt ang pepper

1 tbsp. cornstarch

1 8gram maggie magic sarap (optional)



Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas.

2. Ilagay ang hiniwang beef at lagyan ng asin at paminta. Halu-haluin

3. Ilagay ang oyster sauce, toyo at kaunting tubig. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.

4. Habang pinapalambot ang karne, magpakulo ng kaunting tubig sa isa pang kaserola.

5. Ilagay ang broccoli at lagyan ng kaunting asin. Takpan. Lutuin ng mga ilang minuto. Huwag i-overcooked

6. Hanguin ang broccoli sa isang lalagyan.

7. Kung malambot na ang beef, ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

8. Tikman. Lagyan pa ng asin, paminta, oyster at maggie magic sarap kung kinakailangan.

9. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay ang nilutong broccoli



Ihain habang maiinit.



Abangan ang mga susunod ko pang recipe...till next!

Comments

jay said…
thanks for posting this.. tamang tama I'm looking for a recipe of Beef in oyster sauce. :)
Unknown said…
io'm looking beef w/ brocolli recipe in the net...nakita ko itong blog mo at itong recipe mo ang napili kong i-try iluto...and i'm glad coz simple lang pero masarap! thanks for the recipe..
Pink said…
Cool! Thanks! will cook the same for my hubby later. Simple and easy =)
Unknown said…
i admire men who love 2 cook. just continue what u r doing, it'll make ur wife happy n inlove. GBU.
Dennis said…
Thanks Christina. This is all because of LOVE. :)
alfredo luis said…
YES! Thank for posting the recipe!.Meron kaming broccoli at hindi namin alam ang gagawin dahil di sanay si mama na amg luto ng broccoli.Kaya naisip namin gayahin yung kinain namin sa isang Taiwanese na resto.Samalat! just continue posting some great recipes!
gorgeousixai101 said…
Thank you for posting this recipe..Ginawa ko to and my family loved it..simple yet delicious..
Dennis said…
@ alfredo luis...Salamat naman at nagustuhan mo itong ginagawa ko. Continue visiting my blog. Invite also your friends and relatives....Many thanks
Dennis said…
@ gorgeousixai101...Salamat. mas lalo ako nai-inspire na magpatuloy pag may nababasang akong katulad g comment mo. Thanks again.


Dennis
TJ said…
simple at masarap ang mga recipe mo po. pero anu po ang pwedeng ipalit sa soy sauce para sa pamangkin kp na may G6PD(bawal sa mga soya) kasi paborito po nya ung gaya ng adobo at ung ibang luto na may soy sauce. pls help me po and thank you in advance...
chaipie said…
hi!!im trying this one out! thanks for the post. hope i could get it all right and yummy!! :))
Alma said…
I tried this one but yung pagkakaluto ko sumobra sa alat hahaha, dinagdagan ko ng maraming tubig
dt_polo said…
try ko mas madali lang ito,saves time,before kc pag nagluluto ako minamarinate ko muna ang beef ng 15mins..
Anonymous said…
pwede ba isama ang dahon sa recipe na ito?
Dennis said…
Yung iba isinasama ang dahon lalo na siguro kung in good condition pa. Yung nabibili kasi d2 sa Manila hindi na okay kaya hindi ko na lang inilalagay.

Thanks for the visit my friend.

Dennis
Unknown said…
thx for posting this kuya, i'll try to cook this one.
Dennis said…
Thanks Johnmar....I hope you continue supporting my food blog.
Anonymous said…
Sir anu pong pwedeng mas mura na alternative sa beef kc can't afford po ito sa ngayon
Dennis said…
Pork or chicken pwede din.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy