Fish and Chips in Creamy Herbed Dip
Tayong mga Filipino, hindi tayo sanay na kumain ng ulam na walang kanin. Kung baga hindi kumpleto ang araw natin pag hindi tayo naka-kain ng kanin.
Sa mga western countries, kabaligtaran naman sila natin. Sila, kahit sandwiches lang o kaya naman pasta, okay na sa kanila. Sa UK at US pangkaraniwan sa kanila ang recipe natin for the day. Yun bang mga pagkain na may kasamang chips or fries. Dito sa atin medyo nasasanay na tayo dahil sa dami ng mga fastfood chain na nag-se-served ng mga ganitong pagkain.
Actually, madali lang ang recipe natin. Try nyo ito.
FISH AND CHIPS IN CREAMY HERBED DIP
Mga Sangkap:
1/2 kilo Fish Fillet (Pwedeng tuna, lapu-lapu o kaya naman Cream of Dory) Hiwain ng pahaba
6 pcs. calamansi
1 egg
1 cup all purpose flour
1 8gram sachet Maggie Magic Sarap
Salt and pepper
3 large potato (Hiwain na parang french fries. Pwede ding pabuilog na manipis.)
3 cups cooking oil
For the dip:
1/3 cup butter
1/2 cup all purpose flour
1 small can Alaska Evap
1 tbsp chopped fresh basil leaves
1/2 cup grated cheese
salt and pepper
Paraan ng Pagluluto
1. Marinade ang fish fillet sa calamansi, asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng mga ilang minuto
2. Sa isang bowl, paghaluin ang harina at itlog. Lagyan ng kaunting tubig at asin. Haluin ng mabuti hangang wala ng buo-buong harina.
3. Sa Isang kawali pakuluin ang mantika.
4. Kung kumukulo na, isa-isang i-dip ang fish fillet sa batter at ihulog sa kumukulong mantika
5. Hanguin sa isang lalagyan kung ito ay golden brown na
6. I-prito sa huli ang patatas hanggang sa maluto
7. Para sa dip, sa isang sauce pan, ilagay ang butter hanggang sa matunaw
8. Isunod ang harina at halu-haluin
9. Ibuhos ang gatas na evap habang patuloy na hinahalo. Maaring lagyan ng tubig hanggang sa nais na lapot
10. Ilagay ang chopped basil leaves at grated cheese.
11. Tikman. Timplahan ng asin at paminta kung kinakailangan pa.
Ihain ang dip kasama ng chips or french fries at fish fillet.
Enjoy!!!
Comments
Thanks Jen for visiting mg blog.
Dennis
Ang totoo niyan jen...BS English ako...hehehehe..Bobo sa English kaya tina-tagalog ko na lang...hehehehe. At isa pa, pure Bulakeno ako kaya tagalog na tagalog...hehehe
God Bless Jen and to your family...
Dennis