Fish and Chips in Creamy Herbed Dip


Tayong mga Filipino, hindi tayo sanay na kumain ng ulam na walang kanin. Kung baga hindi kumpleto ang araw natin pag hindi tayo naka-kain ng kanin.

Sa mga western countries, kabaligtaran naman sila natin. Sila, kahit sandwiches lang o kaya naman pasta, okay na sa kanila. Sa UK at US pangkaraniwan sa kanila ang recipe natin for the day. Yun bang mga pagkain na may kasamang chips or fries. Dito sa atin medyo nasasanay na tayo dahil sa dami ng mga fastfood chain na nag-se-served ng mga ganitong pagkain.

Actually, madali lang ang recipe natin. Try nyo ito.


FISH AND CHIPS IN CREAMY HERBED DIP


Mga Sangkap:

1/2 kilo Fish Fillet (Pwedeng tuna, lapu-lapu o kaya naman Cream of Dory) Hiwain ng pahaba

6 pcs. calamansi

1 egg

1 cup all purpose flour

1 8gram sachet Maggie Magic Sarap

Salt and pepper

3 large potato (Hiwain na parang french fries. Pwede ding pabuilog na manipis.)

3 cups cooking oil

For the dip:

1/3 cup butter

1/2 cup all purpose flour

1 small can Alaska Evap

1 tbsp chopped fresh basil leaves

1/2 cup grated cheese

salt and pepper



Paraan ng Pagluluto

1. Marinade ang fish fillet sa calamansi, asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng mga ilang minuto

2. Sa isang bowl, paghaluin ang harina at itlog. Lagyan ng kaunting tubig at asin. Haluin ng mabuti hangang wala ng buo-buong harina.

3. Sa Isang kawali pakuluin ang mantika.

4. Kung kumukulo na, isa-isang i-dip ang fish fillet sa batter at ihulog sa kumukulong mantika

5. Hanguin sa isang lalagyan kung ito ay golden brown na

6. I-prito sa huli ang patatas hanggang sa maluto

7. Para sa dip, sa isang sauce pan, ilagay ang butter hanggang sa matunaw

8. Isunod ang harina at halu-haluin

9. Ibuhos ang gatas na evap habang patuloy na hinahalo. Maaring lagyan ng tubig hanggang sa nais na lapot

10. Ilagay ang chopped basil leaves at grated cheese.

11. Tikman. Timplahan ng asin at paminta kung kinakailangan pa.

Ihain ang dip kasama ng chips or french fries at fish fillet.

Enjoy!!!

Comments

Jen said…
This looks so yummy. Salamat sa recipe.
Dennis said…
Masarap talaga...especially the dip. Mula nung ma-discover ang wonders ng basil leaves na-inlove na talaga ako dito. Notice yung mga recipe ko the past few days puro may basil? Mura lang kasi dito sa 'Pinas ang dahong yan. P12.00 lang per 100 grams...O di ba? Marami ka ng maluluto na dish...hehehehe

Thanks Jen for visiting mg blog.


Dennis
Jen said…
Na-notice ko nga na madalas kang gumamit ng basil. That's great. Isa sa mga paburito kong spice ang basil. Magaling kang chef. Salamat sa pag gamit mo ng linguaheng o wikang Filipino sa blog mo. God bless you and your family!
Dennis said…
Thanks Jen.... Ang target ko talagang visitors ay yung mga kalahi din natin. May mga nag-email nga sa akin na nakatulong sa kanila ang blog kong ito dahil sa bukod nga sa tagalog ang pamamaraan madali pang itong intindihin. Natutuwa sila at kahit papano ay natututo sila...hehehehe.

Ang totoo niyan jen...BS English ako...hehehehe..Bobo sa English kaya tina-tagalog ko na lang...hehehehe. At isa pa, pure Bulakeno ako kaya tagalog na tagalog...hehehe

God Bless Jen and to your family...


Dennis
Anonymous said…
good day po! about sa fish and chips puede ba kahit anong klase ng isda or ung mga naka lagay lang sa ingredients ang puede??? i love to try it kasi with tilapia...hehehe! if puede?
salde said…
sis dennis maraming salamat, dahil matutuna akung mag luto. salamat sa blog mo. mararami kang matutulungan.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy