PISTEK (Fish Steak)
Marami tayong mga salita or words na hango sa salitang ingles o kastila. Halimbawa, shorpet. Sa amin sa Bulacan ito ang tawag sa baseball cap. In english, hango ito sa salitang sure fit. Ganun din ang istepin o tsinelas. Hango iyun sa english word na step in.
Sa pagkain naman narito ang bistek or in english beef steak. Dito ko kinuha ang recipe natin for today. Tinawag ko siyang Pistek o hango sa salitang ingles na fish steak.
Halos kapareho lang ng sangkap at pamamaraan ang pagluluto nito sa bistek. Yun lang nilagyan ko pa ng twist para mas masarap ang kalabasan.
Sa itaas pala ang larawan nung isda na pinirito ko na before ko siya nilagyan ng sauce.
PISTEK (Fish Steak)
500 grams Bangus back fillet (Hiwain sa nais na laki)
Salt and pepper
1 egg
1 cup all purpose flour
1/2 cup cornstarch
1 8gram sachet maggie magic sarap
cooking oil
For the sauce:
2 large size red onion
1 tbsp minced garlic
1/2 cup soy sauce
juice from 6 pcs. calamansi
salt and pepper
sugar
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang bangus fillet sa asin at paminta. Hayaan ng mga 30 minuto
2. Paghaluin ang harina, cornstarch at maggie magic sarap sa isang plastic bag. Alog-alugin
3. Ilagay ang binateng itlog sa isda. halu-haluin
4. Ilagay ang bangus sa pinaghalong mga sangkap. Medyo lagyan ng hangin ang loob ng plastic bag at saka isara o ibuhol ang dulo.
5. Alug-alugin ito hanggang sa mabalot ng harina ang isda
6. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag golden brown ang kulay. Mas mainam kung lubog sa mantika ang pag-pi-prito
7. Hanguin sa isang lalagyan
8. For the sauce... Bawasan ang mantika sa kawali. Magtira lamang ng tama pang gisa.
9. I-gisa ang bawang. Kung golden brown na hanguin sa isang lalagyan.
10. I-gisa ang chopped na sibuyas. Ilagay ang toyo at calamansi. Hayaang kumulo
11. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.
12. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce
13. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng piniritong fish fillet at ilagay sa ibabaw ang tosted garlic at pinirotong onion rings.
Ihain habang mainit.
Enjoy!!!
Comments