CHICKEN ASADO
Narito ang isa na namang dish na maipagmamalaki ko. Masarap kasi talaga. Isa naman namang lutuin na baboy ang pangunahing sangkap pero manok ang ating ginamit. Chinese asado ang lutuing ito. Kaiba sa ibang asado na tomato sauce ang base na ginagamit. Minsan magluluto ako ng asado na ganito ang gamit.
Wala akong masabi iba kundi masarap talaga ito....hehehehe
CHICKEN ASADO
Mga Sangkap:
8 pcs. Chicken legs
250 grams Chinese Pechay
1/2 cup soy sauce
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Muscova Sugar or brown sugar
3 tbsp. Pure Honey
5 pcs. Star Anise
1 thumb size ginger grated
1 large Red onion chopped
1 head minced garlic
2 tbsp. Sesame Oil
salt and pepper
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilagay lahat ng sangkap maliban sa Chinese Pechay, Honey at Sesame Oil.
2. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang karne ng manok. Lagyan ng tubig kung kinakailangan. Patayin ang apoy ng kalan kung luto na.
3. Sa kawali o non-stick pan, maglagay ng kaunting sesame oil at sabaw ng pinaglutuan ng manok. Lutuin dito ang Chinese pechay. Hanguin at iayos sa isang lalagyan.
4. Lagyan pa ng sabaw ang kawali. Ilagay ang Honey.
5. Isa-isang igulong dito ang mga manok na niluto Kagaya ng nasa larawan sa ibaba.
6. Hanguin at iayos kasama ng nilutong chinese pechay
7. Ilagay ang natitira pang sauce sa kawali. Halu-haluin hanggang sa medyo lumapot ang ang sauce.
8. Ilagay sa ibabaw ng manok ang sauce.
Ihain habang mainit.
Enjoy!!!
Comments
yong pechay mo ..baby bokchoy ang tawag dito...
sarap ng presentation mo..
nakakagutom talaga...
Dennis
I cooked this last night for dinner. Family enjoyed it. Di ko lang nakunan ng picture. Hubby is requesting if I could could cook it again this weekend for some friends who are coming over.
Thanks for your simple and delicious recipes.
Thanks again for supporting my blog.
Dennis