PASKO SA SAN JOSE BATANGAS 2009
Kagaya ng nasabi ko sa last post ko, kung hindi sa amin sa Bulacan ay sa mga biyenan ko sa Batangas kami nagpa-pasko. Ganun lagi ang set-up. Para sa akin, mahalaga na ipagdiwang ang okasyong ito sa piling ng mga mahal sa buhay. Di ba ang unang pasko ay isang pamilya? Kaya marapat lang na una ang pamilya kaysa sa anu pa man.
Baka nalilito kayo about my previous post yung noche buena ang title? That was our 2008 noche buena dito din sa San Jose, Batangas.
Syempre, mawawala ba ang masasarap na handa sa noche buena. Shrimp and bacon pasta, roasted chicken, chicken and baby potato salad, manggo royal, ham at turbo broiled liempo in lemon soda ang handa. Abangan nyo na lang yung recipe sa mga susunod kong posting. Yung Chicken and baby potato salad di ba nauna na?
Ang aking mahal na biyenan, si Inay Elo. Syempre tuwang-tuwa siya at nakita na naman niya ang kanyang mga apo. Nasiyahan naman di siya sa mga inihanda kong pagkain.Kasama din naming kumain ng noche buean ang kapatid ng aking asawa na si Ate Pina (in white). Ang bilas kong si Ate Myla (in blue) at kanyang mga anak na sina Jenny ang Joana.
Comments
pati dito sa sto.tomas
kaya sa darating na halalan si Arman Sanchez ang iboboto ko,
im proud to be batangueno