PAN GRILLED BONELESS BANGUS
Nung una problema ko ang pag-iihaw sa tinitirhan ko at ng aking pamilya. Sa isang maliit na condo kasi kami nakatira at wala talagang space para makapag-ihaw ka. Bakit hindi iihaw sa kalan o kung tawagin natin ay pan grill? Yun lang iba pa rin talaga ang ihaw sa baga. May smokey taste kasi ang ihaw dun.
So ito nga ang entry natin for today, Pan Grilled Boneless Bangus. Pangkaraniwan at napakadali lang lutuin nito. Try nyo kung papano ko ito niluto.
PAN GRILLED BONELESS BANGUS
Mga Sangkap:
1 large Boneless Bangus
1 large White Onion chopped
2 large tomatoes chopped
1 thumb size ginger finely chopped
1 tsp. ground pepper
1 tsp. garlic powder
1 tbsp. rock salt
1 tsp. maggie magic sarap
1 tbsp. Sesame oil
Paraan ng Pagluluto:
1. Hugasang mabuti ang boneless na bangus.
2. Budbudan ng asin, paminta, garlic powder at maggie magic sarap ang lama ng bangus. Hayaan ng mga 1 oras.
3. Sa isang bowl, paghaluin ang sibuyas, kamatis at grated ginger. Lagyan din ng kaunting asin.
4. Ipalaman ito sa bangus. Lagyan ng sesame oil ang aluminum foil at saka balutin. Isara ang magkabilang gilid.
5. I-ihaw ito sa baga o kaya naman ay sa flat na kawali hanggang sa maluto.
Ihain ito na may kasamang sawsawan na pinaghalong katas ng calamansi, toyo, suka at kaunting asukal.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis