PAN GRILLED BONELESS BANGUS

After ng napakahabang holiday at kuta-kutakot na kainan, medyo umay na tayo sa karne at manok na ulam. Kaya naman ang hinahanap ng dila at panlasa natin ay yung pang-tanggal sa umay at lasa ng karne. Isda at gulay ang sagot dito. Kaya naman nitong isang araw ay naisipan kong mag-ihaw ng bangus para sa aming hapunan.

Nung una problema ko ang pag-iihaw sa tinitirhan ko at ng aking pamilya. Sa isang maliit na condo kasi kami nakatira at wala talagang space para makapag-ihaw ka. Bakit hindi iihaw sa kalan o kung tawagin natin ay pan grill? Yun lang iba pa rin talaga ang ihaw sa baga. May smokey taste kasi ang ihaw dun.

So ito nga ang entry natin for today, Pan Grilled Boneless Bangus. Pangkaraniwan at napakadali lang lutuin nito. Try nyo kung papano ko ito niluto.



PAN GRILLED BONELESS BANGUS



Mga Sangkap:


1 large Boneless Bangus

1 large White Onion chopped

2 large tomatoes chopped

1 thumb size ginger finely chopped

1 tsp. ground pepper

1 tsp. garlic powder

1 tbsp. rock salt

1 tsp. maggie magic sarap

1 tbsp. Sesame oil


Paraan ng Pagluluto:

1. Hugasang mabuti ang boneless na bangus.

2. Budbudan ng asin, paminta, garlic powder at maggie magic sarap ang lama ng bangus. Hayaan ng mga 1 oras.

3. Sa isang bowl, paghaluin ang sibuyas, kamatis at grated ginger. Lagyan din ng kaunting asin.

4. Ipalaman ito sa bangus. Lagyan ng sesame oil ang aluminum foil at saka balutin. Isara ang magkabilang gilid.

5. I-ihaw ito sa baga o kaya naman ay sa flat na kawali hanggang sa maluto.



Ihain ito na may kasamang sawsawan na pinaghalong katas ng calamansi, toyo, suka at kaunting asukal.



Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
ganitong ganito din ang inihaw ko kaya lang walang boneless na nabibili dito..ang boneless ay yong may timpla na...
Dennis said…
Mula nung naging available sa supermarket d2 at kahit sa palengke ang boneless bangus....hindi na akong kumakain nung may tinik pa....hehehehe. Walang kwenta yung na-marinade na....mas masarap yung fresh talaga.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy