PINE-SOY CHICKEN BREAST FILLET


Here's another dish na napaka-simple at napaka-daling lutuin. Kahit first time na magluto ay kayang-kaya itong lutuin. Papaano ba naman, bukod sa simple lang ang mga sangkap, simpleng-simple din ang paraan ng pagluluto.

Siguro magtataka kayo kung ano yung pine-soy? Pineapple juice at toyo lang yun. hehehehe. Pero alam nyo pag pinag-combine ang dalawang ito? Parang hamonado or tocino ang kakalabasan. Lalo na kung tutuyuin mo talaga yung sauce nito.

Try it! Ito din pala ang ipinabaon ko sa aking mga anak sa school. Mamaya pag-uwi nila malalaman ko kung nagustuhan nila o hindi. hehehehe. Pero, ano ba naman ang iniluto ko ng hindi nila nagustuhan?...hehehehe.


PINE-SOY CHICKEN BREAST FILLET

Mga Sangkap:

1 kilo Chicken Breast Fillet cut into cubes

2 cups Sweetened Del Monte Pinapple Juice

1/2 cup Soy Sauce

1 cup Brown Sugar

2 large White Onion sliced

salt and pepper to taste

1 tsp. cornstarch (optional)


Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, i-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta at pineapple juice. Hayaang ng mga 30 minuto. Overnight mas mainam.

2. Sa isang non-stick na kawali, ilagay ang chicken fillet kasama ang marinade mix. Hayaang maluto ang manok.

3. After ng mga 15 minutes, ilagay na ang toyo, ginayat na sibuyas at brown sugar. Patuloy na pakuluan hanggang sa kumonte na lang ang sauce.

4. Tikman at i-adjust ang lasa. Ang tmang lasa nito ay yung nag-aagaw ang alat at tamis.

5. Kung gusto ninyo na may sauce na kaunti, maaaring lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang natitirang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
may para din pong gantong luto na pinamana ang tita ko sa amin lutong pineapple naman ang tawag namin tas pork naman po ang ginagamit :) halos parehas po except for soy sauce hehehe
J said…
Pine soy pala ha. Susubukan ko yan hehehe. Thanks Kuya!
Dennis said…
@ iamabhie....Yup...parangh pork hamonado ito...yun lang nga chicken fillet ang ginamit. Soy sauce naman is just to add more flavor adn color to the dish. Pero masarap pala pag pinaghalo mo ang pineapple juice at toyo....hehehe

@ J.... Try the combination...masarap maghalo ang asim at tamis ng pineapple juice at yung alat at extra flavor ng toyo...


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy