TUNA PESTO SPAGHETTI
Nag-birthday last June 3 ang kumare namin at kaibigang si Jorina. Nasa Dubai siya ngayon at doon nagwo-work. Nung minsang nakausap ko siya sa telepono at nalamang malapit na ang birthday niya, nasabi kong ipagluluto ko siya ng pasta dish pa-tungkol sa kanyang birthday.
At ito ngang pasta dish na ito ang aking niluto para sa kanya. Instant pesto lang ng Clara Olei ang ginamit ko dito at masarap naman ang kinalabasan. Dinagdagan ko na lang ng ham strips para may pampangiti sa ibabaw. Corned tuna pala ng ginamit ko na sahog dito.
Mga Sangkap:
500 grams Spaghetti pasta cooked accroding to package direction
2 cans Century Corned Tuna
4 slilces Sweet Ham cut into strips
1 pouch Clara Olei Cheesy Pesto pasta Sauce
2 cups Grated Cheese
5 cloves Minced Garlic
1 large Red Onion chopped
1/2 tsp. Dried Basil
2 tbsp. Olive Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang non stick na kawali, i-prito ng bahagya ang hiniwang ham. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas. Ilagay na din ang corned tuna at ang Clara Olei Cheesy Pesto pasta sauce.
3. Timplahan ng asin, paminta, dried basil at 1 cup na grated cheese. Hayaang kumulo.
4. Ilagay na ang nilutong spaghetti noodles at haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
5. Naguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang nilutong ham at ang natitira pang grated cheese.
Enjoy!!!

Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments