MY WIFE JOLLY'S BIRTHDAY CELEBRATION in BULACAN
Hindi naman ako masyado napagod dahil ang aking kapatid na si Ate Mary Ann at Shirley ang nagluto ng mga handa.
Konti lang naman ang handa. 9 na putahe lang. Hehehehe. Ang mga ito ay: Inihaw na Liempo, Sugpo na may sprite at butter, Fried Chicken ala Max, Inihaw na Bangus, Pancit Canton, Tofu in Oyster Sauce, Lengua Asado, Laing, Tinolang native na manok at yung stir fried na talbos ng camote with pork bits. Nagustuhan ko ang lahat ng mga handa lalo na yung stir fried na talbos ng camote. Para kasing lasa siyang sisig. At masarap talaga.
Dumating ang halos lahat ng aming mga kamag-anak. 11am pa lang ng umaga ay nagsimula na silang nagsidatingan at sinimulan na din ang masaganang pananghalian.
Nakakatuwa at masaya ang may birthday. At kita din sa mukha ng aking mga kapamilya ang kasiyahan sa okasyong ito.
Sa hapon naman, nagluto din ang aking Ate Ann ng meryenda. Pancit palabok. Nagluto din ang aking tiya Ineng ng Sablanko o maja blanka para sa may birthday.
Masaya at busog ang lahat matapos ang masaganag kainan.
Sabi ko nga sa aking mga tita, sana sa awa ng Diyos ay makapag-handa din ako sa aking 4_th birthday. Hehehehe.
Dalangin ko na sana ay bigyan pa ng Diyos ng maraming kaarawan ang aking asawa. May handa man o wala, sana ay makasama pa namin siya ng matagal. Bigyan nawa siya ng Diyos ng malakas at malusog na pangangatawan...ilayo nawa siya sa mga kapahamakan at lagi nawa siyang gagabayan sa araw-araw. Amen.
Comments
Kuya, gusto kong gayahin yung recipe ng fried chicken ala Max hehehe.