ANTON'S FIELDTRIP 2011
Last Saturday October 15, 2011, sinamahan ko (as usual) ang aking anak na si Anton sa kanyan school field trip.
Sa taon-taon nang pag-sama ko sa field trip na ito, masasabi kong ito talaga ang educational tour. Bakit ba naman? Talagang matututo ang mga bata at pati ako na din sa aming mga napuntahan. Di kagaya nung mga nakaraan na may mga swimming pa or mga rides sa carnival.
Mga 6:60 ng umaga kami umalis at una naming pinuntahan ay ang Touch of Aura sa may CCP Complex sa Pasay City. Isa itong parang isang malaking bodega namy may mga room kung saan makakakita ang mga bata ng shadow show, Laser light show ay yung show na gumagamit ng mga UV lights. Okay naman enjoy ang mga bata lalo na dun sa laser dhow.
Meron ding about the Solar Sytem at yung constalation ba yun?
Next na pinuntahan ay ang bahay ni Dr. Jose P. Rizal sa Calamba, Laguna. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito.
Hindi lang ako natuwa, kasi ba naman pininturahan ng green ang bahay ni Rizal. Para tuloy nawala ang pagka-luma nito. Ang nakakatuwa naman ay na-maintain nila ang kaayusan at ang mga orihinal na gamit dito.
Nilibot namin ang buong bahay pati na din ang maliit na museo sa may likod ng bahay. Nasa likod ng bahay din pala ang bahay kubo kung saan naglalaro si Rizal nung bata pa siya.
Ang nakakatuwa pa ay may isang mama na kamukha ni Rizal na nakatayo sa may gate ng bahay at pwede kang magpa-picture sa kanya. Nasa sa iyo kung magbibigay ka sa kanya ng kahit magkanong halaga.
Next stop ay sa UP Los Banos Botanical Garden. Dito makikita ang ibat-ibang uri ng mga halaman at puno. Dito na rin pala kami kumain ng aming tanghalian. Bumili lang pala ako ng Chicken Joy sa JOllibee para sa aming lunch.
Pagkatapos ay sa Museum of National History naman ang aming pinuntahan. Walking distance lang ito mula sa Botanical Garden.
Maraming makikita dito katulad ng mga kalansay ng mga hayop at mga ibon na pinatigas. May nakita din kami ditong human fetus mula sa 3 buwan hanggang sa 7 na buwan.
Yun lang sa dami ng mga guest sa museum na ito, para kaming nagmamadali at hindi na namin nabasa nakita ang lahat ng mayroon dito.
Ofcourse pwede ba naman na mawala ang picture-an ni Anton. Hehehehe
Last stop ay sa Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna. Actually, isa itong bago pa lang na dini-develope na subdivision sa lugar na ito. Pero may feature sila dito kung saan pwede kang magpakain ng mga isda at sumakay sa boat at mag-travel sa man-made na lagoon.
Okay naman din. Enjoy naman kami lahat sa boat. Hehehe
Syempre, pwede ba naman na mawala ang pasalubong pagkatapos ng maghapong field trip na ito? hehehe. Bumili lang ako ng assorted tarts, special na espasol at pure honey bee na magagamit ko sa aking mga luto. Hehehe
Naka-uwi kami ng mga 6:30 ng gabi sa bahay na pagod pero masaya.
Till next......

Comments