CREAMY COCO PUMPKIN SOUP
Mula nang ma-discover ko ang sarap ng pumpkin soup, ginagawan ko ito ng mga variation ang nilalahukan pa ng ibang sangkap para mas lalo ko pang mapasarap.
Kagaya nitong bago kong version, nilagyan ko pa ito ng gata ng niyog o coco milk.
Ang ikinagusto ko sa bagong version na ito ay yung lasa at pagka-pino ng soup. Lasang-lasa pa rin yung tamis ng kalabasa at talagang mapapagana ang iyong kain kung uunahin mo ito higupin. hehehe.
CREAMY COCO PUMPKIN SOUP
Mga Sangkap:
300 grams Squash/Kalabasa cut into small cubes
5 cups Chicken broth or 5 cups Water & 2 Knorr Chicken Cubes
2 cups Coco milk
1 tetra brick Alaska Crema
1/2 cup Butter
3 cloves minced Garlic
1 pc. medium size Onion Sliced
Salt and Pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2. Ilagay ang kalabasa at sabaw ng manok. Pakuluin at hayaang lumambot ang kalabasa.
3. Isalin ang pinalambot na kalabasa sa blender.
4. Ilagay na din sa blender ang coco milk at Alaska Crema.
5. I-blender ito hanggang sa maging pino ang mga pinaghalong sangkap.
6. Ibalik sa kaserola at pakuluin muli.
7. Timplahan ng asin at paminta. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaaring lagyan pa ng butter kung nais.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments