INIHAW NA BANGUS with a TWIST

Nanonood ba kayo ng Umagang kay Ganda sa ABS-CBN Channel 2? Nag-reformat na sila at nagkaroon ng mga bago pang mga host. Yes. Nandun pa din yung mga datihan na katulad nina Tita Winnie at Anthony Taverna.

Mayroon din silang mga bagong segment at ang isa sa mga nagustuhan ko ay yung portion ni Tita Winnie na nagpapakita ng mga lutong bahay na ang dali-dali lang sundan.

Hindi ko makalimutan ang inihaw na bangus na niluto niya nitong isang araw. Ang pagkakaiba sa version niya ng inihaw na bangus ay, bukod sa kamatis at sibuyas na ipinapalaman natin, nilagyan pa niya ito ng itlog na maalat.

Sa isip pa lang ay paniguarado na akong masarap ang version na ito ng inihaw na bangus. bakit naman hindi, yun lang itlog na maalat na may kamatis at sibuyas ay panalo na, what if ipapalaman pa ito sa boneless na bangus? Winner ito. Kaya naman ito ang niluto ko nitong nakaraang araw. Ang hindi nga ako nagkamali, masarap at malinamnam ang inihaw na bangus na ito. Siguro lang, kung binalot ko ito sa dahon ng saging at saka ko inihaw sa baga, baka mas higit pa na masarap ang kinalabasan. Yun lang kasi, hindi naman pwedeng mag-ihaw sa condo at wala naman kaming puno ng saging. hehehehe. But for sure, kahit pan-grilled lang ang ginawa ko dito, masarap talaga ang kinalabasan.

Ihanda nyo na ang maraming kanin kapag ito ang naisipan ninyong pa-ulam sa inyong pamilya. hehehehe.


INIHAW NA BANGUS with a TWIST

Mga Sangkap:
2 pcs. medium to large size Boneless Bangus
6 pcs. Tomatoes sliced
2 pcs. large white Onion sliced
1 thumb size Ginger grated
4 pcs. Itlog na maalat chopped
salt and pepper to taste
1 tbsp. Sesame oil
Yarn o pangtali

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang boneless bangus. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang ginayat na kamatis, sibuyas, grated ginger, itlog na maalat at sesame oil.
3. Ipalaman ang pinaghalong mga sangkap sa loob ng bangus at saka talian para hindi lumabas ang palaman.
4. I-ihaw ito hanggang sa maluto.

Ihain na may kasamang calamansi na may toyo, suka, konting asin at asukal at siling labuyo.

Enjoy!!!!

This is my entry for:

FTFBadge

Comments

J said…
Wow kuya... panalo nga yan! May fish, sibuyas at kamatis na, may itlog na maalat pa!

2 weeks ago, nasa Pinas ako and nagpaluto ako ng inihaw na bangus. Ngayon tuloy gusto ko magpaluto uli - kaso wala naman whole bangus dito heheh.
Dennis said…
Ang daya mo J...nandito ka pala di ka naman nagsabi....hehehe. Hihingi pa naman ako ng pasalubong....hahahaha
Unknown said…
i like the twist.:p
we also had inihaw the bangus for lunch yesterday, with tomatoes and onions.
Dennis said…
Try mo yung twist Luna...you and ypur family will surely like it. Level up talaga....hehehe
Algene said…
Banguuussss! I'd love to have a perfectly cooked Bangus for dinner. LOL

Thanks for sharing :)

- Chic Foodie
Dennis said…
Try this recipe Algene.... I'm sure you'll love it.

Thanks for the visit


Dennis
Tito Eric said…
Wow! Hindi pa ako nakakatikim ng inihaw na bangus na may maalat na itlog. Mukhang malinamnam nga ito.
anne said…
wahhh how I really wish i know how to cook lol, and this i learned kapag ang lalake daw ang magluluto mas masarap daw talaga keysa sa babae at hindi maiiba yung timpla... visiting from FTF
Dennis said…
Hi Anne....try my recipe. Tried and tested na ang mga iyan. Madali lang lutuin pa. :)

Thanks for the visit
Dennis said…
Thanks pinkcookies.... :)
Jessica said…
I miss eating bangus Brother Dennia, sarap naman ng twiste bangus mo, ginutom tuloy ako. Salamat din sa recipe :-) om Food Trip Friday, hope that you can return the visit too.

http://www.homecookingwithjessy.com/my-egg-omelet-for-breakfast/

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy