MAGHAPONG KAINAN sa BULACAN
Tama ang title ng entry kong ito for today. As in maghapong kainan ang nangyari sa huling pag-uwi namin sa aking bayan sa Bulacan.
Pabinyag kasi ng pinsan kong si Jenica para sa panganay niyang anak na si Althea. Swerte naman at isa sa mga sponsor ay ang asawa kong si Jolly. BTW, born-again christian pala ang napangasawa ng pinsan kong si Jen kaya dedication ang tawag sa pabinyag nila. hehehe
Maaga pa lang ay gumayak na kami pa-uwi sa amin sa Bocaue dahil 10:00am ang schedule ng dedication. Ayos naman at mga 9:30am pa lang ay nakarating na kami at tamang-tama sa pag-alis at papunta sa venue ng dedication.
11:30am ay natapos na ang mga seremonya at tumuloy na kami sa bahay nila sa Balagtas, Bulacan kung saan ginawa naman ang reception.
Nagpa-cater na lang sila. Maraming food. I-try ko na lang na i-recall ang mga pangalan ayon sa aking pagkakatanda. Yung nasa ibaba ay Beef Mongolian. Beef dish na manamis-namis ang lasa na nasa bed ng mix vegetables.
Yung nakikita din sa pict sa taas sa may babang kaliwa ay Fish Fillet with Mayo-Garlic Sauce. Yung nasa dulo naman ay Chicken Teriyaki.
Yung dish na nasa una after ng rice ay hindi ko maintindihan kung Pasta Carbonara o ano ang tawag. Pero mayroon siyang sahog na shrimp at gulay? Hindi ako sure.
Ang dessert ay nakalagay sa mga cups na may ibat-ibang minatamis. Mayroon ding mga kakanin kagaya ng nasa itaas na bibingkang malagkit. Mayroon ding sapin-sapin, bibingkang gatas at maja blanka. My personal favorite ko itong bibingkang malagkit. Hehehehe
Syempre picture-picture matapos ang masaganang panaghalian.
Pagdating namin sa aming bahay ay nagpahinga lang kami para maghanda naman sa afternoon birthday party ng aming pamangkin na si Raven. Katabing bahay lang namin sila kaya madali lang puntahan.
3:30pm nag-start ang party at kami ang isa sa mga naunang bisita. Maaga kami komo babalik pa agad kami ng Manila that afternoon.
Children party ito kaya naman ang mga handang pagkain ay pambata din. May Spaghetti (Filipino style), Pancit Bihon, Fried Chicken at Lumpiang Shanghai. May chocolate fountain din na na-enjoy talaga ng mga bata at chocolate cup cakes na may picture pa ng may birthday.
Nasa itaas ang larawan ng may birthday. Si Raven yung maliit. ang mommy niya na si Donna, ang kuya niya na si Renz at ang daddy nila na si Ron. (Tama ba? hehehe)
Enjoy kami sa food lalo na yung fried chicken at lumpia. Maging ang mga kids ay busog na busog sa kanilang nakain.
Hindi na kami nag-dinner pagdating namin sa bahay dahil sa busog na nangyari sa aming ng buong maghapong yun. hehehehe. Nagluto na lang ako ng kapeng Batangas para pampababa ng aming kinain.
What a day....hehehe. Papaano na ang diet ko nito kung ganito ng ganito ang mangyayari sa amin every weekend. hehehe
Till next...

Comments