CRAB SALAD SPRING ROLL
Ito yung isa sa mga pagkaing inihanda namin nung nag-birthday ang aking mother in-law na si Inay Elo. Ang asawang kong si Jolly ang nag-request nito. Nabitin kasi kami noong kumain kami nito sa Pizza Hut noong Father's Day. hehehehe.
Actually, may nagawa na akong ganito sa archive. Ang pagkakaiba lang nito ay nilagyan ko pa ito ng manggang hinog at cashew nuts. Mas masarap ang version kong ito dahil dun sa sarap at tamis ng mangga. Kahit ang mga bisita ay nagustuhan ang spring roll na ito. Kakaiba kasi sa paningin nila at masarap talaga.
Medyo kinulang ako sa rice paper na nabili ko. Kaya ginawa ko na lang salad ang natira pang mga sangkap. Yung sauce sa spring roll ang ginam it kong dressing at masarap din ang kinalabasan. Ito nga din lang ang kinain ko bukod pa sa lechon. Hehehehe.
CRAB SALAD SPRING ROLL
Mga Sangkap: (Wala akong inilagay kung gaano kadami sa mga sangkap. Depende yun sa dami ng inyong gagawin na spring roll)
Rice Paper
Romaine Lettuce
Crab Stick (cut like a match sticks)
Cucumber (cut like a match sticks)
Ripe Mango (cut into strips)
Cashew nuts (chopped)
For the Sauce:
1 tetra brick All Purpose Cream
2 tbsp. Peanut Butter
1 tbsp. Sesame Oil
salt and pepper to taste
Para i-assemble:
1. I-lubog ang rice paper sa palangganang may tubig ng ilang segundo.
2. Unang ilagay ang dahon ng lettuce at sa ibabaw nito ay lagyan ng nais na dami ng crab sticks, pipino, hiniwang mangga at chopped cashew nuts.
3. Balutin na parang lumpia at saka hiwain ng patagilid. Ilagay sa isang lalagyan.
4. For the sauce: Paghaluin lang ang all purpose cream, peanut butter at sesame oil. Timplahan din ng konting asin at paminta. Tikman at i-adjust ayon sa inyong panlasa.
Pwedeng i-chill muna bago ihain.
Enjoy!!!!
This is my entry for:
Comments
Thanks for visiting my blog.
Dennis
Visiting for FTF- hope you can stop by..
http://myrecipecollection.info/2012/06/boneless-ribs.html
Thanks
Dennis
Happy New Year!!
i've been following your food blog since my cousin introduced it to me - in fact everytime we have family get together's there has to be at least one or two recipes coming from your page - the rice paper, are you talking of SM Hypermart? Walang nearest grocery from my place except Hypermart. Duon lang ba talaga ang rice paper mabibili? I would love to do this recipe for the new year many thanks and more power to you and pls...keep those new recipes coming HAPPY NEW YEAR!