CRAB SALAD SPRING ROLL


Ito yung isa sa mga pagkaing inihanda namin nung nag-birthday ang aking mother in-law na si Inay Elo.   Ang asawang kong si Jolly ang nag-request nito.   Nabitin kasi kami noong kumain kami nito sa Pizza Hut noong Father's Day.   hehehehe.

Actually, may nagawa na akong ganito sa archive.   Ang pagkakaiba lang nito ay nilagyan ko pa ito ng manggang hinog at cashew nuts.  Mas masarap ang version kong ito dahil dun sa sarap at tamis ng mangga.   Kahit ang mga bisita ay nagustuhan ang spring roll na ito.  Kakaiba kasi sa paningin nila at masarap talaga.



Medyo kinulang ako sa rice paper na nabili ko.  Kaya ginawa ko na lang salad ang natira pang mga sangkap.   Yung sauce sa spring roll ang ginam it kong dressing at masarap din ang kinalabasan.   Ito nga din lang ang kinain ko bukod pa sa lechon.   Hehehehe.


CRAB SALAD SPRING ROLL

Mga Sangkap:  (Wala akong inilagay kung gaano kadami sa mga sangkap.   Depende yun sa dami ng inyong gagawin na spring roll)

Rice Paper 
Romaine Lettuce
Crab Stick (cut like a match sticks)
Cucumber  (cut like a match sticks)
Ripe Mango (cut into strips)
Cashew nuts (chopped)
For the Sauce:
1 tetra brick All Purpose Cream
2 tbsp. Peanut Butter
1 tbsp. Sesame Oil
salt and pepper to taste

Para i-assemble:
1.   I-lubog ang rice paper sa palangganang may tubig ng ilang segundo.
2.   Unang ilagay ang dahon ng lettuce at sa ibabaw nito ay lagyan ng nais na dami ng crab sticks, pipino, hiniwang mangga at chopped cashew nuts.
3.   Balutin na parang lumpia at saka hiwain ng patagilid.   Ilagay sa isang lalagyan.
4.   For the sauce:   Paghaluin lang ang all purpose cream, peanut butter at sesame oil.  Timplahan din ng konting asin at paminta.   Tikman at i-adjust ayon sa inyong panlasa.

Pwedeng i-chill muna bago ihain.

Enjoy!!!!


This is my entry for:
FTFBadge


Comments

peachkins said…
mahilig din ako sa crab salad.. sometimes I also add pasta and turn it into pasta salad...I'm sure everybody loved this!
Dennis said…
Thanks peachkins..... Oo nga nagustuhan ng mga bisita ng aking mother in-law ang spring roll na ito...just like we enjoy it at pizza hut...hehehe
Jenn Ji Hyun said…
You're really creative with this cooking thing. It's nice to browse through your entries and hopefully I'd find new dishes to serve to my babies. They're so picky eaters that thinking about what to cook for them sometimes turns so exhausting.
Dennis said…
Hi Jenn. May I ask, areyou Chinese or Korean? Do you understand tagalog?

Thanks for visiting my blog.


Dennis
Leah H. said…
That is new to me. I would love to give it a try:)

Visiting for FTF- hope you can stop by..

http://myrecipecollection.info/2012/06/boneless-ribs.html
Dennis said…
Hi Leah.... Thanks for the visit. Yes, givi it a try. It's really good. Even my kids loves it.
Iska said…
Sarap nitong crab salad spring roll mo! Will try it sometime :-)
Dennis said…
Thanks Iska....Yummy talaga yan...one of my favorite
Anonymous said…
Hi! May I ask kung san nabibili yung rice paper? Thanks!
Dennis said…
Hi Anonymous.... nandito ka ba sa Pilipinas? If yes, sa mga supermarket kagaya ng SM or Rustans ay may mabibili ka. Kung abroad ka naman, sa mga asian specialty store meron.

Thanks


Dennis
Thesa Isla said…
I tried this recipe and it's really appetizing kaso ask ko lng po paano po di maninigas yung wrapper? Dapta consume lang sya agad? Kasi gi awa ko sya before noche buena kaso the following the day ang tigas na po ng wrapper
Dennis said…
Thanks Thesa....Ia-assemble siya talaga kapag malapit ng kainin. Titigas talaga yung wrapper pagnagtagal na lalo na kung ilalagay mo sa fridge.

Happy New Year!!
Anonymous said…
hi dennis
i've been following your food blog since my cousin introduced it to me - in fact everytime we have family get together's there has to be at least one or two recipes coming from your page - the rice paper, are you talking of SM Hypermart? Walang nearest grocery from my place except Hypermart. Duon lang ba talaga ang rice paper mabibili? I would love to do this recipe for the new year many thanks and more power to you and pls...keep those new recipes coming HAPPY NEW YEAR!
Anonymous said…
Good pm po! ive been ur fan and always following your food blog.. Tanong ko lang po saan po nakakabili ng rice paper?? Magluluto kasi sana ako nito ung Crab Salad Spring Roll nyo. Thank you po.
Dennis said…
Yup...sa SM Hypermarket meron or any SM supermarket.
Dennis said…
Sa SM Supermarket meron....dun sa section na may lumpia wrapper at tofu. Di ko lang alam sa ibang supermaket. Sa FArmers Market sa cubao meron din.
Anonymous said…
i made this and brought it to a party and it was a hit. maraming salamat sa recipe na ito. may tanong lang po ako. paano n'yo po naiiwasang hindi magdikit-dikit yung mga spring rolls? ganun po kasi yung nangyari sa akin. pinagpatong-patong ko sa plate yung mga rolls, tapos nagdikit-dikit yung mga wrapper sa isa't isa. kaya ang ginawa ko na lang ay sa several smaller plates ko na lang nilagay para may space sila in between each roll. thank you, and i will appreciate your thoughts on this.
Dennis said…
Ganun talaga yun. or siguro pwede mong lagyan ng wax paper o plastic in between para hindi magdikit. Ok din lang naman na magdikit-dikit ito tutal kinakamay naman talaga ito kainin.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy