FRIED SWEET POTATO with COFFEE-HONEY GLAZE
Ito ang pagkaing ipina-meryenda ko sa aking mga anak nitong nakaraang Linggo lang. Nagsawa na din kasi sila sa mga sandwiches at biscuits so naisip ko na igawa sila nito para maiba naman. Kung titingnan mo ang pict na ito, masasabi mong ordinaryong kamote que lang ito na hindi naka-tuhog sa barbeque stick. Well, maghahanap pa ba ako ng stick e tinidor lang ay solve solve na. hehehehe
Dapat sana bubudburan ko lang ang piniritong kamote na ito ng asukal. Bigla na lang nag-flash sa isip ko...bakit hindi ko ito gawan ng twist? At yun nga. Nabuo ang coffee-honey glaze na inilagay ko dito. Nakakatuwa naman at nagustuhan at naubos ito ng tatlo kong anak.
FRIED SWEET POTATO with COFFEE-HONEY GLAZE
Mga Sangkap:
Kamote or Sweet Potato
2 cups Cooking Oil
1/2 cup Brown Sugar
1/2 cup Pure Honey Bee
1 tsp. Instant Coffee
1/4 cup Water
Paraan ng pagluluto:
1. Balatan at hiwain ang kamote sa nais na laki o kapal.
2. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali, alisin ang lahat ng mantika at saka ilagay ang brown sugar, honey, instant coffee at tubig. Halu-haluin hanggang sa kumulo at lumapot ang arnibal.
4. Ibuhos ito sa nilutong kamote bago ihain.
Enjoy!!!!!
Comments