FRIED SWEET POTATO with COFFEE-HONEY GLAZE


Ito ang pagkaing ipina-meryenda ko sa aking mga anak nitong nakaraang Linggo lang.  Nagsawa na din kasi sila sa mga sandwiches at biscuits so naisip ko na igawa sila nito para maiba naman.   Kung titingnan mo ang pict na ito, masasabi mong ordinaryong kamote que lang ito na hindi naka-tuhog sa barbeque stick.  Well, maghahanap pa ba ako ng stick e tinidor lang ay solve solve na.   hehehehe

Dapat sana bubudburan ko lang ang piniritong kamote na ito ng asukal.   Bigla na lang nag-flash sa isip ko...bakit hindi ko ito gawan ng twist?   At yun nga.   Nabuo ang coffee-honey glaze na inilagay ko dito.   Nakakatuwa naman at nagustuhan at naubos ito ng tatlo kong anak.


FRIED SWEET POTATO with COFFEE-HONEY GLAZE

Mga Sangkap:
Kamote or Sweet Potato
2 cups Cooking Oil
1/2 cup Brown Sugar
1/2 cup Pure Honey Bee
1 tsp. Instant Coffee
1/4 cup Water

Paraan ng pagluluto:
1.   Balatan at hiwain ang kamote sa nais na laki o kapal.
2.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sa parehong kawali, alisin ang lahat ng mantika at saka ilagay ang brown sugar, honey, instant coffee at tubig.   Halu-haluin hanggang sa kumulo at lumapot ang arnibal.
4.  Ibuhos ito sa nilutong kamote bago ihain.

Enjoy!!!!!



Comments

i♥pinkc00kies said…
Interesting! I love camote-q and coffee pa naman :)
J said…
Ayos yan! May meryenda na, may kape pa! Ahehehe. Galing mo kuya!
Dennis said…
Thanks pinkcookies.... Para itong coffee flavored kamote que.....hehehhe...yummy!!!
Dennis said…
Thanks J....Minsan talaga mas mainam yung biglaang pagiisip....may magandang resulta na lumalabas....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy