RELYENONG MANOK
Ito ang main dish na inihanda ko nitong nakaraang Noche Buena. Relyenong manok. Yung iba ang tawag dito Chicken Galantina. Pero sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang pagkakaiba. Hehehehe.
Noon ko pa gustong gumawa nito. Kaso, hindi ko alam kung papaano mag-debone ng manok. Buti na lang at mayroon palang nabibili o pwede kang mag-pa-debone sa SM supermarket. Yun lang medyo may presyo ang per kilo nito.
At para sa espesyal na okasyon kagaya ng pasko, ito nga ang inihanda ko para sa aking mga mahal sa buhay para sa Noche Buena. First time ko pa lang magluto nito at medyo kabado ako sa kakalabasan. Ang isang lesson na natutunan ko dito ay dapat naka-close lahat ng parte ng manok. Kung hindi lalabas dito ang palaman na nilagay nyo sa loob. But in general, masarap naman ang kinalabasan ng Relyenong Manok ko na ito.
RELYENONG MANOK
Mga Sangkap:
1 whole Boneless Chicken
1 pc. Lemon
1/2 kilo Ground Chicken
1 cup Chinese Sausage (cut into small pieces)
1 cup Mixed Vegetables
1 cup Ham or Bacon (cut into small pieces)
1 cup Grated Cheese
3 pcs. hard Boiled Eggs
6 pcs. Fresh Eggs (beaten)
2 medium size White Onion (chopped)
1 head minced Garlic
1 large Red bell pepper (cut into small pieces)
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang boneless na manok sa asin, paminta at katas ng lemon. Hayaang nakababad ito ng overnight.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang giniling na manok, mixed vegetables, red bell pepper, chinese sausage, ham or bacon, sibuyas, bawang, grated cheese, 6 pcs. na binating itlog at timplahan ng asin at paminta. Haluin mabuti. Pwedeng mag-steam o mag-prito ng kaunting palaman para malaman kung ayos na ang timpla. I-adjust kung kinakailangan.
3. I-drain ang minarinade na manok mula sa marinade mix at palamanan ng pinaghalong mga sangkap. Ilagay na din ang itlog na nilaga kasama ng palaman.
4. Gamit ang toothpick o pantahi, isara ang bukas na bahagi ng manok. I-ayos ang manok para bumalik sa tama niyang porma.
5. Lutuin ito sa turbo broiler o oven sa init na 300 degrees hanggang sa pumula ang balat.
6. Palamigin muna sandali bago ihain o i-slice
Enjoy!!!!

Comments