CALIFORNIA MAKI ala DENNIS

Ito ang isa pang dish na inihanda ko nitong nakaraan naming Noche Buena.  California Maki.

Paborito ko itong Japanese food na ito.   Kaya naman basta mayroon nito sa mga buffet table, ito agad ang una kong kinukuha at kinakain.   First time ko pa lang mag-try na gumawa nito.   At masasabi kong hindi naman malayo sa totohanang maki ang aking nagawa.   Hehehehe.   Siguro ang medyo sablay lang sa ginawa kong ito ay yung kutsilyo na ginamit ko.   Dapat ay yung matalas talaga para maganda ang kalabasan sa pagkahiwa.

Nakakatuwa dahil masarap ang kinalabasan ng aking ginawa.   Kahit ang aking asawang si Jolly ay natuwa sa nagawa kong California Maki na ito.


CALIFORNIA MAKI ala DENNIS

Mga Sangkap:
2 cups Japanese Rice
3 tbsp. Mirin
1 tsp. White Pepper powder
Crab Sticks
Ripe mango (cut into strips)
Nori Sheets
Cucumber (cut into strips)
Fish Roe
Wasabi
Japanese Mayo
Sushi Soy Sauce
Calamansi

Mga gagamitin:
Bamboo Sushi Mat
Plastic

Paraan ng pag-gawa:
1.  Isaing ang Japanese rice kagaya kung papaano tayo magluto ng ordinary rice.   Bawas lang ng konti sa tubig.   Pagnaluto na, palamigin lang at isalin sa isang bowl.
2.   Timplahan ng Mirin, kaunting asin at white paper powder.  Haluing mabuti.
3.  Click the link para makita nyo kung papaano ia-assemble.    Ito din ang sinundan kong pamamaraan.


 http://www.yummy.ph/yummy-lessons/prepping/details/how-to-make-california-maki

Salamat and Enjoy!

Comments

J said…
Yes, peborit ko ang sushi kuya! Gumawa rin kami niyan kuya pero volcano roll naman:

http://notjustafoodblog.blogspot.com/2012/02/amateur-volcano-roll.html

Ang ganda ng pagkakagawa mo ha... restaurant quality!
Unknown said…
helo sir Dennis,,hapi new year,,sarap cguro nito noh?ang ganda din ng pagkagawa moh..gusto q sana ito etry kaso parang ang mamahal ng mga ingredients apos di q alam f saan hahanapin ang mga ingredients..nori,mirin..fish roe..and i think mahal maxado ang fish roe.
Dennis said…
Thanks J.....di nga masyadong matalim ang kutsilyo na ginamit ko kaya medyo hindi maganda ang pagkahiwa. Siguro sa next attempt ko alam ko na ang tama....heheheh
Dennis said…
Masarap talaga mebs...paborito ko talaga ito. Yup...medyo may kamahalan nga ang mga sangkap. Isa pa, di mo siya mabili ng pakonti-konti lang....Pero sulit naman kapag kinakain mo na....hehehehe
Mari Joys said…
Hi Sir Dennis! Saan po kaya ako pwede bumili ng fish roe? Thanks!
Happy Holidays! I am your fan forever! Super love talaga your food blog.
Dennis said…
Sa mga Japanese or Koreans specialty shops meron.
Unknown said…
This comment has been removed by the author.
Unknown said…
Good day Sir Dennis, saan ba mabibili ang Mirin, Nori Sheets, Fish Roe, Wasabi, Mayonaise Mayo at Bamboo sushi mat..sensya na po di ako sanay magluto pero gusto ko pong matuto. Gusto ko po matutunan ang pagluluto ng California Maki..thanks
Dennis said…
Hi Beth. matanong ko lang....nandito ka ba sa Pilipinas? Kung nandito ka sa metro manila...may nabibili sa SM Supermaket.... sa may imported items section. Or yung mga Japanese or Korean specialty store for sure mayroon din.
Unknown said…
Good day Sir Dennis, yup nandito lang ako sa Pilipinas..sige po icheck ko na lng sa sm supermarket. Sana wag ka magsawa magpost ng mga recipe..kasi lagi ko sinusabaybayan mga recipe mo..feeling ko talaga matututo ako magluto kasi parang ang daling gawin lahat ng mga nakapost dito..thanks..more power and god bless...
Dennis said…
Thanks Beth.....Madali lang naman talagang magluto...basta huwag ka lang matakot magkamali...kahit ako may mga disaster dish din na nagawa...pero natuto ako sa mga iyun. Basta kapag may questions ka mag-messge ka lang.

Thanks again

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy