BINYAGANG RAIZZA DEE - Ninong po Ako :)
Last May 11, 2013, ako ay nag-anak sa binyag sa anak ng aming kapitbahay na si Donna sa amin sa Bocaue Bulacan. At komo malapit ito sa aming pamilya, hindi maaaring hindi ako pumunta. At isa pa, Flores de Mayo sa aming lugar at eleksyon kinabukasan. Hectic ng sched ano? hehehehe
Nakakatawa din, kasi ba naman sa tanda kong ito ay may kumukuha pa sa akin para mag-anak sa binyag. hehehehe. Next month kasi kasal naman ang aanakin ko. Hehehehe.
12 noon nagsimula ang binyag at ga 30 minuto lang ay natapos din ito. Syempre naman, pagkatapos ang seremonyas... ano naman ang susunod? hehehe...e di tuloy naman sa mesa.
Yes. Nasira na naman ang diet ko sa mga inihandang pagkain ng nag-pabinyag. Nagpaluto lang pala sila sa aking kapatid na si Ate Mary Ann. Lahat kami sa pamilya ay marunong magluto. At ito nga ang hanapbuhay ng aking ate, ang tumanggap ng paluto.
Winner ang pork kare-kare. Yung ulo ng baboy ang ginamit na laman at para na din itong balat ng baka. Sarap talaga.
Okay din naman ang pancit sotanghon. May tengang daga na inilagay na mas lalo pang nagpasarap sa pancit.
Ito ay pritong lumpiang ubod. Bakit pinirito? Di ba mainit ang panahon ngayon? At pag mainit ang panahon, madaling mapanis ang mga lumpia kagaya nito. Kaya ayun pinirito nalang. Pero wag ka...masarap siya lalo na ay may sawsawang suka na may sili. hehehehe.
Meron din nitong best seller ng aking Ate. Itong Chicken barbeque niya na panalo talaga sa sauce.
Panalo din ang arroz valenciana. Malaman at malasa ang pagkakaluto.
Hindi ko na nakuhanan ng picture ang mga desserts. Pero mayroong sari-saring minatamis (na paborito ko) hehehehe. Macapuno, garbason, maja maiz at iba pa.
Syempre, bukod sa masasarap na pagkain, masarap na kwentuhan naman kasama ang aking mga kaibigan na matagal ko na ding hindi nakikita. Regards Darwin at Marina.
At sa aking inaanak na si Raizza Dee....sanay lumaki ka na malusog, matalino, may pagmamahal sa Diyos, sa iyong mga magulang, mga kapatid at kapwa tao.
Amen.

Comments