MINCED PORK ala CUBANA
Nung una wala akong balak na i-post ang dish na ito dito sa blog. Isa lang kasi itong simpleng giniling na baboy na may itlog na pangkaraniwan nating nakikita sa mga karenderya. Ang pagkakaiba lang nito ay yung tomato sauce na ginamit ko na Italian style at yung pritong saba na inilagay ko sa side.
Pero nung natikman ko na ito sa office komo ito ang baon ko that time, nagulat ako sa sarap nito at yung combination ng pritong saging na saba at nilagang itlog sa giniang ginilin na baboy ay ka-blog-blog talaga. Buti na lang at dala ako ang aking digicam at kinunan ko talaga ito kahit naumpisahan ko na itong kainin. Look at the egg..nakain ko na yung kalhati. Hehehehe.
Pinangalanan ko na lang itong Minced Pork ala Cubana komo halos pareho lang ito ng Arroz ala Cubana at pangkaraniwang pagkain ng mga Cubans. Sa halip lang na beef ay pork ang ginamit ko at sa halip na fried egg ay inilaga ko na lang ang itlog.
Try it mga friends, simple pero masarap ang dish na ito.
MINCED PORK ala CUBANA
Mga Sangkap:
1/2 kilo Pork Gininiling (lean meat)
2 pcs. Potatoes (cut into small cubes)
1 large Carrot (cut into small cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into small cubes)
1 cup Green Peas
1 tetra pack Clara Ole Italian Pasta Sauce
10 pcs. Saba (cut into half then fried)
10 pcs. Hard Boiled Eggs
3 tbsp. Olive Oil
1 tsp. Dried Basil leaves
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
2 pcs. Tomatoes (chopped)
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil.
2. Ilagay na agad ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta. Hayaan munang masangkutsa.
3. Kapag nawala na ang pagka-pink ng karne, ilagay na ang patatas, carrots, red bell pepper, green peas at ang Clara Ole Italian Pasta Sauce. Halu-haluin at hayaang maluto ang gulay.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa na may pritong saba at nilagang itlog sa side.
Enjoy!!!!

Comments