SINIGANG na LAPU-LAPU sa MISO


Bihira lang kaming mag-ulam ng isdang Lapu-lapu.   Medyo may kamahalan kasi ang isdang ito.   Kagaya nitong niluto ko, 3 piraso na katamtaman lang ang laki at P180.   Mahal di ba?  Pero okay na din paminsan-minsan lang naman.

Nung nabili ko ang isdang ito, isa lang luto ang nasa isip ko.   Ito ay isigang ito sa miso at lagyan ng gulay na mustasa.   At tama naman ang kinalabasan.   Masarap at malasa ang sabaw ng sinigang kong ito.   Try nyo din po.


SINIGANG na LAPU-LAPU sa MISO

Mga Sangkap:
3 pcs. medium size Lapu-lapu
1 sachet Sinigang sa Miso Mix
Sitaw
Mustasa
Labanos (sliced)
2 thumb size Ginger (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 tbsp. Cooking oil
Salt or Patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.   Halu-haluin ng ilang sandali.
2.   Lagyan ng nais na dami ng tubig para sa sabaw.  Takpan at hayaang kumulo.
3.   Kung kumukulo na ilagay ang labanos at sitaw.   Takpan muli at hayaang maluto ang gulay.
4.   Kung malapit nang maluto ang gulay, ilagay na ang lapu-lapu at isunod na din ang sinigang sa miso mix.
5.   Timplahan ng asin o patis.   Hintaying maluto ang isda.
6.   Huling ilagay ang mustasa.
7.  Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy