CHICKEN ADOBO sa SAMPALOK
Nanonood ba kayo ng programang Umagang Kay Ganda sa Channel 2? Ako nanonood araw-araw habang naghahanda ako ng breakfast namin at naghahanda na din sa pagpasok sa trabaho.
Bukod sa mga sariwang balita na mapapanood mo sa programang ito sa umaga, may isang portion sila dun kung saan nagpi-feature sila ng mga lutuin na luma man pero nilalagyan ng twist. Kagaya nitong adobo dish na ito na ginawa ko. Alam naman natin kung papaano na magluto ng adobo. Kahit saang lugar ay may kani-kaniyang bersyon ng adobo. Pero nito lang ako naka-dinig ng adobo na sampalok ang ginamit na pang-asim sa halip na suka. Yes. Suka. Nagluto sila sa programang yun ng adobong baboy at alimango at sampalok powder nga ang ginamit na pangasim. Sinubukan ko nga at okay naman ang naging lasa. Subukan nyo din po.
CHICKEN ADOBO sa SAMPALOK
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 small sachet Sinigang sa Sampalok Mix
1/2 cup Soy Sauce
1 head Minced Garlic
1 large Red Onion (chopped)
1 tsp. Freshly ground Black pepper
1 tsp. Brown Sugar
Salt to taste
2 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sunod na igisa ang sibuyas at isunod na din ang manok.
3. Timplahan ng toyo, paminta, brown sugar at sinigang mix.
4. Haluin ng bahagya..takpan at hayaang maluto ang manok. Maaaring lagyan ng kaunting tubig kung gusto ninyo ng medyo ma-sauce na adobo.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang toasted garlic na ginawa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Dennis
Dennis
Thanks
Dennis