CHICKEN ADOBO sa SAMPALOK

Nanonood ba kayo ng programang Umagang Kay Ganda sa Channel 2?   Ako nanonood araw-araw habang naghahanda ako ng breakfast namin at naghahanda na din sa pagpasok sa trabaho.

Bukod sa mga sariwang balita na mapapanood mo sa programang ito sa umaga, may isang portion sila dun kung saan nagpi-feature sila ng mga lutuin na luma man pero nilalagyan ng twist.   Kagaya nitong adobo dish na ito na ginawa ko.   Alam naman natin kung papaano na magluto ng adobo.   Kahit saang lugar ay may kani-kaniyang bersyon ng adobo.   Pero nito lang ako naka-dinig ng adobo na sampalok ang ginamit na pang-asim sa halip na suka.  Yes.  Suka.   Nagluto sila sa programang yun ng adobong baboy at alimango at sampalok powder nga ang ginamit na pangasim.  Sinubukan ko nga at okay naman ang naging lasa.   Subukan nyo din po.


CHICKEN ADOBO sa SAMPALOK

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 small sachet Sinigang sa Sampalok Mix
1/2 cup Soy Sauce
1 head Minced Garlic
1 large Red Onion (chopped)
1 tsp. Freshly ground Black pepper
1 tsp. Brown Sugar
Salt to taste
2 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
2.   Sunod na igisa ang sibuyas at isunod na din ang manok.
3.   Timplahan ng toyo, paminta, brown sugar at sinigang mix.
4.  Haluin ng bahagya..takpan at hayaang maluto ang manok.   Maaaring lagyan ng kaunting tubig kung gusto ninyo ng medyo ma-sauce na adobo.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.  Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang toasted garlic na ginawa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

JERT_JYB said…
mukhang iba ang asim nito dahil sa pag-substitute ng sampalok sa vinegar
Dennis said…
Thanks Jert...kaya dapat konti-konti muna ang lagay ng sampalok powder para hindi masyadong maasim. But it's really good.

Dennis
Enz F said…
I will also try this one. Kakaiba siya. :)
Dennis said…
Thanks Enz....i-try mo..kakaiba nga di ba...:)

Dennis
Anonymous said…
wow mukhang masarap, keep posting more chicken recipes please! thanks!!
Dennis said…
Hi Anonymous....Just go to the archive on the right side of this blog and click the label CHICKEN. It will display all chicken recipes in this blog.

Thanks

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy