EASY PORK CALDERETA


Sa panahon ngayon, marami nang "instant" na pwede tayong gamitin.   From instant coffee, sinigang mixes, noodles at maging ang mga sauces para sa masasarap na putahe na ating nakasanayan.   Okay naman ito lalo na sa mga working mom and dad na silang pang nagluluto para sa kanilang pamilya.

Ako pag nag-go-grocery, tumitingin din ako sa mga instant instant na ito para sa mga biglaang luto sa bahay.   Ofcourse wala pa ring tatalo sa pagkain niluto from the labor of love.   hehehehe.

Sa easy pork caldereta na ito, pinagsama ko ang tradisyunal na gisa at ang caldereta mix na ito ng Mama Sita.


EASY PORK CALDERETA

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim o Pigue (cut into cubes)
1 sachet Mama Sita Caldereta Mix
1 medium size Carrot (cut into cubes)
1 large size Potato (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
5 cloves minced Garlic
1 large White Onion (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Olive Oil
1/2 cup grated Cheese

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil.
2.  Ilagay na agad ang hiniwang karne ng baboy at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin.   Takpan at hayaang masangkutsa ang karne.
3.  Lagyan ng 2 tasang tubig...takpan at hayaang lumambot ang karne.
4.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang carrots, patatas, red bell pepper at Mama Sita Calderta mix.   Haluin at muling takpan hanggang sa maluto ang patatas.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang grated cheese. Haluin ng bahagya.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW